Ang mga aktor mula kusina at farm
May mga nakikilala akong mga nagsisimula pa lang sa showbiz na kahit pangarap nila mag-artista, hindi sila basta lang umaasa sa biyaya ng industriya. (bilang minsan naman talaga matumal!)
May mga iba pa silang pinagkaka-abalahan para siguradong meron silang kikitain sa araw-araw (at hindi abutin na lang ng pa-
nganga!) tulad na lang ng dalawang male talents na nag-guest sa youtube channel naming WTFu. (na syempre alam nyo na, mga palaban!)
Ang 23 anyos na si John Albuero, ay cook sa isang bar sa Laguna (masarap ba, bro…ang luto mo?!) pero nagta-talent sya sa mga teleserye at indie films.
Ilang beses na siyang lumabas sa mga streaming platforms tulad ng Vivamax at TbonX. (at marami na raw syang inilabas.. na talent!) “Opo nagpapa-sexy po ako, usually ipinapakita ko katawan at ‘yung buong likod. Huwag lang po talaga ‘yung harap.
At kailangan po talaga nakaplaster,“ paglalahad ni John (ay out of stock daw mga plaster. May pumakyaw!) Isa sa naging proyekto nya sa Vivamax ay ang “Sirena”: “Mangingisda ako roon.
Isa po ako sa mga lalaking nanghalay dun sa bidang sirena. Puro po sya kaliskis. Wala po syang buntot.
Nahuli sya nung isang kasama namin sa dagat.“ (so inalis talaga ang buntot ng sirena sa vivamax ha!)
Willing naman daw magpaka-daring si John sa showbiz, pero may isa lang daw syang di kayang gawin. “Ayaw ko po ng BL. Nasa restriction ko po ‘yun. Kahit pa sabihin natin na trabaho lang po ‘yun, ayaw ko lang po na may masasabi ‘yung mga tao.” (gustuhin mo BL, basta ako partner mo, bro!)
Ang 20 anyos na si Magi Cruz naman kinakarir ang kanyang sariling poultry farm. Meron siyang 200 na manok, at ginagawang negosyo ang mga nakukuha nyang itlog. (ay mahilig ako sa itlog! Hard boiled eggs!) “Nakita ko po sa mom and stepdad ko, na humahaggo sila ng itlog sa farm ng iba.
Naisip ko what if sa amin mismo ‘yung farm, mas magiging maganda kita. Kaya pinagpursigihan namin na magkaroon ng sarili namin.“ Pagbabahagi ni Magi. (pwede magpa-deli-
ver sa’yo, bro?!)
Hindi pinapalagpas ni Magi kapag may raket sa showbiz. Isa sa huli niyang proyekto ay sa streaming app na Cinepop. “Supporting role ako dun. Pinaghubad ako dun kasi ‘yun ‘yung kailangan.” (so dedma sa lines, basta naghubad!)
Sa ngayon, walang pinipiling proyekto si Magi, game sya sa anumang ibigay sa kanya.“Basta may opportunity, bibigyan ko ng oras, kasi pa-ngarap ko ‘yan.
Kahit pa maghubad ulit. Harap, likod ko, ok lang.” (ay all out at all the way ang koya mo!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com
- Latest




















