BINI, kinasasabikan sa Coachella!
Patuloy ang pagbida ng ASAP ng global talent ngayong Linggo (Marso 1), sa pangunguna ng BINI bago ang kanilang inaabangang performance sa Coachella, kung saan irerepresenta nila ang Pilipinas sa global stage.
Damhin ang selebrasyon ng Global Pinoys mula sa opening number sa panguguna ng BINI kasama sina Erik Santos, Yeng Constantino, Belle Mariano, Darren, Maymay Entrata, Kyle Echarri Alexa Ilacad, Jeremy Glinoga, Jason Dy, Akira Morishita, Jarlo Base, JM Ibarra, Fyang Smith, AC Bonifacio, Gela Atayde, Jona, Elha Nympha, Esang De Torres, Jameson Blake, Gelo Rivera, Nate Porcalla, Kai Montinola, Jane De Leon,Billy Crawford pati na ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Season 2 housemates na sina Carmelle Collado,Rave Victoria, Iñigo Jose, Fred Moser, Reich Alim, at Eliza Borromeo, kasama ang G-Force at MNVRS Ignite.
Mas lalo pang paiigtingin ang kasiyahan sa pag-awit nina Maris Racal at Billy ng kani-kanilang bagong singles pati na rin ang pasabog na paghataw sa ASAP ng 2025 Dance Supremacy International champions na Femme Manila, kasama sina Kyle, Jameson, Jeremy, JM, Fyang, Billy, Jay Kent, AC, Gela, at G-Force.
Huwag ding palampasin ang P-Pop showcases ng DNA at BGYO sa kanilang pag-perform ng mga panibago nilang mga kanta.
Ibibida naman nina Belle, AC, at G-Force ang girl power sa kanilang pasabog na number.
Kamangha-mangha rin ang collaboration numbers nina Alexa, Kai, Elha, Esang, JM Dela Cerna, Marielle Montellano, Christian Tibayan, Arvery Lagoring, JM Yosures, at Khimo Gumatay.
Bonggang performance naman ang mapapanood mula sa trending na Gen Z band na Hey June, kasama sina KD Estrada, Jarren Garcia, at Kobie Brown.
Abangan din ang pangmalakasan na kantahan mula kina Erik, Yeng, Darren, Sofronio Vasquez, Elha, Carmelle, Jason, and Jona. Samantala, haharanahin naman nina Erik at Sofronio kasama ang String Quartet si Hilda Koronel.
Magsisilbi bilang hosts ngayong Linggo sina Robi Domingo, Belle, Darren, at Alexa.
- Latest




















