Behind the Reel, may Season 2 na!

Inilulunsad na ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Direk Joey Reyes bilang chairperson, ang Season 2 ng Behind the Reel, ang seryeng Roundtable Discussions na naglalapit sa mga manonood na Pilipino sa mga realidad na humuhubog sa industriya ng libangan at pelikulang tagalog sa kasalukuyan.
Kasunod ito nang tagumpay ng unang season nito, pinalalawak ng Behind the Reel Season 2 ang saklaw nito sa pamamagitan ng mas malalim na pagtalakay sa teknikal, film education, legacies, at industry practice. Sa pamamagitan ng tapat at malalim na pakikipag-usap sa mga propesyonal mula sa iba’t ibang sektor ng industriya, nilalayon ng serye na gawing mas madaling ma-access at makita ng mga manonood ang mga madalas na napapabayaang aspeto ng pelikula at libangan.
Sinusuri ng Behind the Reel Season 2 ang mga puwersang pangkultura, malikhain, at teknikal na nakakaimpluwensya at nagtutulak sa pelikulang Pilipino.
Sa pamamagitan ng Behind the Reel Season 2, ipinagpapatuloy ng FDCP ang pangako nito sa pagpapalaganap ng makabuluhang diyalogo, pagdiriwang ng talentong Pilipino, at pagpapalalim ng pakikipag-ugnayan ng publiko sa pelikulang Pilipino.
Ang Behind the Reel Season 2 ay mapapanood sa YouTube channel ng FDCP, na may mga episode na inilalabas sa buong season.
- Latest




















