^

PSN Showbiz

Award-winning actor, panget ang ugali!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos mabasa ng ilang taga-network ang blind item tungkol sa attitude ni morenong aktor, may ilang tumawag sa akin para magkuwento rin ng kanilang naranasan sa naturang aktor.

“God’s gift to women” ang feeling daw nitong aktor, at nagsimula nang magkuwento ng kanilang naobserbahan sa naturang aktor.

Sabi ko, huwag na! Hindi ko na inalam ang kuwento nila.

Magmumukha na akong basher nitong si morenong aktor na infeyr naman sa kanya, magaling makisama sa aming mga press.

Sabi ng isang tagapagtanggol ni morenong aktor, mabait naman daw talaga ito.

Noong panahong nag-a-attitude raw ito sa taping ay parang burnout na raw ito at nagsabing hindi na raw talaga siya mag-aartista.

Pero back to work na siya uli at sana ay okay na siya dahil sa pag-aartista na ito naka-focus.

Tingnan natin kung may maririnig pa tayong kuwento tungkol kay morenong aktor.

Dahil sa kuwentong ito, may iba pang sumbong sa akin tungkol naman sa ibang artistang na nag-a-attitude rin.

Kagaya nitong si award-winning actor na maangas ang dating.

May pagka-angas talaga siya, pero okay naman siyang makisama.

May ilang talent coordinator (TC) ng shows ang isinusumpa siya dahil ang hirap daw nitong kausap.

Hindi lang tiyak kung meron pang manager na nagha-handle sa kanya. Pero diretso na raw siyang kinakausap kapag may inquiry para sa isang show.

Kaya lang, ang hirap daw kausap nitong si aktor na ang ikinaloka ng TC, paiba-iba raw siya magbigay ng talent fee.

May iba pang hanash si TC tungkol dito kay angas na aktor. Kaya sabi ng ilang taga-production, isinusumpa na raw ito ng mga talent coordinator.

Hindi na nga namin siya napapanood sa mga series lately. Baka nga dahil sa attitude nito.

Magaling pa naman itong si aktor, pero minsan hindi lang galing sa pag-arte ang tinitingnan sa isang artista. Mahalaga pa rin ang magandang pakikisama sa mga katrabaho, lalo na sa production staff.

Mark Herras, lalayasan na ng misis at mga anak?!

Hindi pa rin nasagot ang mga katanu­ngan sa kumalat na blind item tungkol sa power couple na naghiwalay na raw.

Ang sumunod na umamin ay si Lea Salonga na matagal na silang hiwalay ng asawa niyang si Robert Chien. Sila ba ‘yung ‘power couple’  na sinasabi sa blind item?

Ang latest naman ngayon na pinag-usapan ay ang paghihiwalay nina Archie Alemania at Gee Canlas.

Kasunod nito ay ang mga katanungan kung may nagbabadyang hiwalayan na rin ba kina Mark Herras at Nicole Donesa.

Napag-alamang hindi na nga sila nagpa-follow sa kani-kanilang Instagram (IG) account.

Ito nga kaya ang dahilan ng pag-iiyak ni Mark sa ipinost niya sa kanyang IG account?

Ang isa kasi sa narinig namin ay baka dadalhin na raw si Nicole ng Mommy niya sa Amerika, kasama ang dalawa nitong anak kay Mark.

Pero umaasa pa rin ang mga taong malapit sa kanila na magkaayos pa sila.

ALLTV, hindi na lang dinadaanan

Nag-react ang ilang taga-GMA 7, ‘yung iba ay may hawak sa Sang’gre, sa inilabas na press release ng Batang Quiapo kung saan sinabing nangunguna pa rin si Tanggol sa puso ng mga Pilipino.

Malinaw roon sa PR na mula ‘yun sa Kantar Media na kung saan hindi naka-subscribe ang GMA 7.

Ang basehan pa rin talaga ay ang NUTAM o National Urban Television Audience Measurement ng AGB Neilsen Philippines.

Kaya ang madalas na nakukuha naming ratings ay ang sa NUTAM na kung saan ang Encantadia Chronicles: Sang’gre pa rin ang nangunguna sa primetime shows.

Pero hindi naman maikakailang lumalaban talaga ng tapatan ang teleserye ni Coco Martin.

Malakas siya online, at nitong mga huling araw ay nakipagbakbakan na ito sa ratings ng Sang’gre.

Kagaya noong Miyerkules, Feb. 4, nakapagtala ng 9.4 percent na rating ang Sang’gre, at ang Batang Quiapo ay 9.3 percent.

Dumikit siya talaga, pero tatlong istasyon naman itong sa Batang Quiapo, samantala ang sa Sang’gre ay dalawa lamang.

Pero ang laki talaga ng nagawa ng Batang Quiapo para panoorin ang mga istasyong dinadaan-daanan lang.

Ang bongga nga ngayon ng ALLTV na mula pagbukas nito ng alas-singko ng umaga hanggang sa gabi ay pawang mga show lang ng ABS-CBN ang napapanood. Kaya nagkaka-rating na ito na tinaasan na ang sa TV5.

Kaya ang laki talaga ng nagawa ng ABS-CBN shows sa ALLTV na padagdag nang padagdag pa raw sila ng transmitter.

TC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with