^

PSN Showbiz

Rhen, sumagot sa cheating kay Kokoy

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Rhen, sumagot sa cheating kay Kokoy
Rhen Escaño.
STAR/ File

Ahh biglang pinag-usapan ang nakaraang relasyon nina Kokoy de Santos at Rhen Escaño.

Ito ay matapos itanggi ni Rhen na niloko niya ang actor noon pagkatapos na iere ulit ang episode sa buhay ng actor sa Magpakailanman na nagbibigay ng insinuation na niloko siya ng girlfriend noon.

Noong February 2023 pa ito unang umere pero ipinalabas ulit noong nakalipas na Saturday, Jan. 17.

“Once and for all. Let me get straight to the point. I NEVER CHEATED ON HIM,” unang tweet ni Rhen. Dagdag pa niya: “Oh, the danger of a one-sided story. Using someone in your ‘life story’ episode to sell lies, play the victim, and damage another person’s career crosses a line. That is not storytelling; it’s cruelty. That kind of manipulation is unforgivable.”

Umapela rin siya at sinabing:  “And to those choosing to believe only one side: if you can’t seek the truth, if you can’t be fair, at least be kind with your words.

“He made her the villain in his story. She stayed quiet for so long to save him. For years, she chose silence to protect his name even if it cost her own. Pero 2026 na, pa-victim ka pa rin?” sabi pa niya sa post.

Bagama’t nakatuon ang episose sa MPK sa kanyang mga pakikibaka para sa kanyang pamilya at career, nakatawag din ng pansin sa episode ang buhay pag-ibig ng aktor.

Naungkat din ang tungkol dito sa isang recent interview ni Kuya Boy Abunda kay Kokoy kung saan nang tanungin siya kung bakit wala pa siyang girlfriend hanggang sa kasalukuyan ay dahil:  “Oo nga, Tito Boy. Actually, parang dito ako sa Fast Talk nag-a-update ng lovelife ko, eh. Parang hinihintay ninyo ba talaga?”  sabay alala niya sa guesting daw niya noong 2023 sa Fast Talk na naligaw siya ng landas dahil daw sa babae kung saan hinabol pa raw niya ito kahit nag-cheat ito.

“May isang point sa buhay na nawala ako since first time ko sigurong ma-in love. Binuhos ko lahat, pinaikot ko ang mundo ko sa kanya,” sabi ng aktor.

“Pero eventually, siguro ilang years din kami noon. Nalaman ko kasi na nag-cheat. Parang binagsakan ako ng mundo rin, na parang, binigay ko rito lahat, tinalikuran ko.

“Umabot ako sa point na tumatanggi ako sa mga project na dati ako ang naghahabol,” pahayag pa ni Kokoy sa naturang interview.

RHEN ESCAñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with