^

PSN Showbiz

Loisa, kinabahan kay Carla!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Loisa, kinabahan kay Carla!
Carla Abellana at Loisa Andalio.
STAR/ File

Idol pala ni Loisa Andalio si Carla Abellana.

Pinapanood pa raw niya ang mga show ng actress sa GMA 7.

Kaya naman nang malaman niyang gaganap silang magkapatid sa unang episode ng Shake Rattle and Roll, 1775, kaagad siyang nag-excite.

“Kinakabahan din po ako kasi karamihan po sa mga cast, si ate Carla, pinapanood ko po talaga ‘yung mga shows niya sa GMA. Tapos naka-work ko na siya,” sabi ni Loisa tungkol kay Carla.

“Ayun po talaga, nakakakaba po talaga, may pressure. Mas kinabahan po ako sa mga eksena namin kesa sa character po talaga,” dagdag ng Kapamilya star sa isang intimate chikahan.

At nang tanungin siya kung anong project ni Carla ang napanood niya?

“Rosalinda po. Ayun talaga favorite ko. Yes, opo.”

Anyway, nang segue kung may dumalaw ba sa kanila sa set? Na ang tinutukoy sana ay kung may paramdam pa ng mga ‘espiritu.’

Pero napunta ang tanong na baka naman dumalaw si Ronnie Alonte or ang sinasabing magiging husband ni Carla sa taping nila?

Wala raw.

Si Carla naman ay walang nakapagtanong kung ikakasal na ba talaga siya.

Tho may nagsabi na wala raw itong planong magbigay ng kahit anong information tungkol sa pagpapakasal sa isang doctor.

Natuto na raw ang actress sa nangyari sa kanila ni Tom Rodriguez.

Si Loisa ay sinabi na  busy naman si Ronnie.

Anyway, sa unang panahon ang episode 1775 kaya parang sa konting kuwento pa lang nila, parang nakakatindig balahibo na.

Kaya natanong sila kung anong experience nila habang nasa shooting.

“Sa experience ko po sa shooting ng 1775, nararamdaman po ‘yung pagka-eerie ng vibe. Mararamdaman ninyo ‘yung dilim kasi sobrang dilim. Nung panahon po ng 1775, kandila lang po ang ilaw. Mararamdaman ninyo po ‘yung setting dahil sa mga historical locations po kami nag-shooting, including Intramuros.

“Tapos ‘yung mga itsura pa po namin. So, hindi lang siya basta-basta historical or period, kaya period po ‘yung aming setting. So, from the costume to the makeup, the production design, talagang medyo nakakapangilabot po siya,” sabi ni Carla na naka-tatlong SRR na.

Na may second the motion si Loisa: “Yes po. Tama po ‘yung sinabi ni ate Carla. Nasabi na po niya lahat. ‘Yun po, kasi wala naman din akong naramdaman na kakaiba sa set po kasi masasaya naman ‘yung mga taong nandun. Masaya lang kami.

“Pero syempre, ‘pag action na, ayun na po ‘yung takutan, dumidilim na, pinapatay na ‘yung mga ilaw,” dagdag ni Loisa.

Matapang pareho ang kanilang personality in real life kaya naman mas takot daw sila sa buhay kesa sa aswang.

O sa ghost project siguro?

CARLA

LOISA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with