Jackie, itinanggi si Darren

Maraming mga manonood ang naaaliw sa samahan nina Jackie Gonzaga at Darren Espanto sa It’s Showtime. Binansagang DaKie ang tambalan ng dalawang hosts na kinagigiliwan ng mga tagahanga. May ilang mga nagtatanong kung mayroon na bang espesyal na namamagitan sa dalawa ngayon. “Tito Boy, hindi naman po kami ni Darren,” maikling sagot sa amin ni Jackie sa Fast Talk with Boy Abunda.
May bulung-bulungan na mas bata umano ang nakikipag-date sa dalaga ngayon. Posible kayang si Darren ang tinutukoy na nanliligaw kay Jackie? “Kasi lately, ‘yung mga lumalapit sa akin younger talaga sa akin. Hindi naman po, malalaman natin. Gusto mo ba?” natatawang sagot ng dalaga.
Ayon kay Jackie ay talagang malapit lamang sila sa isa’t isa ni Darren. Pamilya ang turingan ng buong grupo sa naturang noontime show. “Hindi po, sa amin sa Showtime sobrang close po naming lahat. ‘Yung relationship po namin do’n iba po talaga. Kasi everyday po,” paglilinaw ng It’s Showtime host.
Rufa Mae, nagluluksa pa rin
Simula mamayang gabi ay mapapanood na ang Your Face Sounds Familiar (YFSF). Isa si Rufa Mae Quinto sa mga dapat abangang contestant sa pinakabagong season ng naturang reality show. Matatandaang kamamatay lamang ng asawang aktres na si Trevor Magallanes noong Hulyo. Para kay Rufa Mae ay kailangang maging abala na sa trabaho upang malibang habang nagluluksa pa rin sila ng anak na si Athena.
Ito raw ang kauna-unahang pagkakataon na napasali ang aktres sa isang reality competition. Para kay Rufa Mae ay hindi madali ang naging proseso para mapasali sa programa.
Nakilala si Rufa Mae dahil sa angking talento sa pagpapatawa. Pansamantalang nagpahinga ang aktres sa show business mula nang magkaroon ng sariling pamilya. Hindi raw nagdalawang-isip ang sexy comedienne natanggapin ang pagiging contestant sa YFSF.
(Reports from JCC)
- Latest
























