Buboy, binalikan kung ba’t isinumpa ang ama

Emosyonal si Buboy Villar nang balikan niya ang masakit na nakaraan sa kanyang pamilya dahil sa inasal noon ng kanyang ama sa tuwing inaaway nito ang kanyang ina. “Hindi naman din po ako lumaki sa perfect na family. Nakikita ko si mama at papa ko kasi wild din talaga ‘yung pag-aaway nila. As in, to the point na talagang pisikalan,” paglalahad ni Buboy sa vodcast na Your Honor.
Inakala ni Buboy na normal lang ang palaging pag-aaway ng mga magulang. Hanggang sa isang araw, hindi na siya nakatiis sa asal ng kanyang tatay noong nag-aaway sila ng kanyang nanay.
“Hindi ko namamalayan noong bata ako, one time may nangyari po talaga. Nag-away sila ni mama at papa. Sumigaw ako. Sinusumpa ko ‘yung tatay ko.
“Nasaktan ako kasi mama’s boy ako. Mahal ko ‘yung nanay ko. Sinumpa ko ‘yung tatay ko,” sey ni Buboy.
Hindi raw siya nakapagpigil noon at sinigawan na niya ang kanyang ama.
“Na, shucks, nasigawan ko ‘yung tatay ko. Ano ‘yung pinanggalingan? Ba’t ko siya sinigawan? Dahil po ba sa nakikita ko? Nasaktan ako para kay mama?” sey niya.
Pero mahal pa rin niya ang kanyang ama at hindi niya ito maaaring itakwil.
“Pero, thank God, gusto kong magpasalamat sa Diyos. Kasi po, nu’ng nangyari po sa akin ‘yun, sinabi ko na galit ako sa kanya. Pero hindi ko talaga sinasabi na sinusumpa ko siya, kasi mahal ko pa rin tatay ko eh,” diin ni Buboy.
Ngayong tatay na rin, sinabi ni Buboy na mas naunawaan pa niya ang ama.
“At darating ‘yung panahon, like ngayon po, nangyari po sa akin, naging tatay din po ako. Imbes na mas magalit ako sa kanya, mas inunawa ko na lang siya.”
- Latest























