Digital digest, wagi sa Philippine Quill Awards
Kinilala sa katatapos na Philippine Quill Awards ang publication ng GMA Integrated News na Digital Digest, matapos itong magwagi sa Division 4: Communication Skills, Category 24: Publications.
Ang Philippine Quill Awards, na pinangungunahan ng International Association of Business Communicators (IABC) Philippines, ay isa sa pinakarespetadong award-giving bodies sa bansa pagdating sa business communication. Layunin nitong kilalanin ang mga organisasyong sumusunod sa global standards sa larangan ng komunikasyon.
Personal na tinanggap ni Bernice Marie S. Sibucao, Senior Manager at Deputy Head ng Digital Strategy and Innovation Lab ng GMA Integrated News, ang parangal sa ginanap na seremonya sa Manila Hotel Fiesta Pavilion noong Agosto 27.
Ang award-winning team sa likod ng Digital Digest ay binubuo nina Lala Lacsina, Assistant Manager ng Digital Strategy and Innovation Lab; Zay Arguelles, Associate Editor; Jenica Villanueva at Louie Andrei Magtibay, Associate Producers; Glad Alvero, Writer; G-mak Cabiling at Andrei Joseph Lumbang, Graphic Artists; at ang multi-awarded veteran documentarist na si Howie Severino bilang Editor-at-Large.
Sa parangal na ito, muling pinagtitibay ng GMA Integrated News ang pagiging lider nito sa mundo ng media at komunikasyon—patuloy na nagsisikap maghatid ng maaasahan, makabago, at de-kalidad na content sa iba’t ibang platform.
- Latest




















