^

PSN Showbiz

MTRCB, walang pahinga sa pagrerebyu

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
MTRCB, walang pahinga sa pagrerebyu
Lala Sotto
STAR/File

Alinsunod sa mandato nito na itaguyod ang responsableng panonood at matiyak ang angkop na klasipikasyon sa lahat ng pelikula at programa sa telebisyon, nakapagrebyu ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng 11,439 materyales noong Hulyo 2025.

Kabilang dito ang 10,325 programa sa telebisyon, 758 TV plugs, 159 publicity materials, 144 movie trailers at 53 lokal at banyagang pelikula.

“Ang mga numerong ito ay patunay ng matatag naming pangako na protektahan ang pamilyang Pilipino, lalo na ang mga bata, sa pamamagitan ng tama, angkop at responsableng paggabay sa media,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto.

Dahil dito, umabot na sa 115,091 materyales ang nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB mula Enero hanggang Hulyo 2025.

Patuloy na tinitiyak ng MTRCB ang pakikipagtulungan nito sa industriya ng paglikha para maisulong ang responsableng panonood para sa bawat pamil­yang Pilipino, lalo na sa kabataan.

LALA SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with