Nicole Kidman, nasarapan sa pandesal ni Ruby Ruiz!

Pinay actress puring-puri
Naipatikim pala ng veteran actress na si Ruby Ruiz ang pandesal, ensaymada at iba pang masasarap na pagkaing Pinoy kina Nicole Kidman.
Isa pa ngang Filipino actress ang gumagawa ng pangalan para sa kanyang sarili sa Hollywood: ang 63-anyos na si Ruby na minarkahan ang career milestone sa kanyang debut sa Hollywood, sa Nicole Kidman-starrer series na Expats.
Dumalo pa siya sa premiere night at itinaas ang bandila ng Pilipinas nang lumakad siya sa red carpet early this year sa Museum of Modern Art sa New York para sa unang screening ng Expats, kasama ang mga co-star na sina Nicole Kidman, Brian Tee, at Ji-young Yoo.
Ang Expats ay batay sa 2016 novel na The Expatriates na ginawa ng screen adaptation sa ilalim ng award-winning na direktor na si Lulu Wang.
Isinalaysay nito ang nakakakilabot na kuwento ng isang grupo ng kababaihang naninirahan sa Hong Kong.
Ang serye ay pinagbibidahan ni Nicole Kidman na gumaganap bilang Margaret, ang asawa ni Clark (Tee) na lumipat sa Hong Kong upang makasama siya at ang kanilang tatlong anak.
Ginampanan ni Ruby ang character ni Essie na nagsakripisyo at nagsusumikap upang lumago ang kabuhayan na malayo sa tahanan.
Dahil 11 months siya sa Amerika, nagawa ng Pinay actress na maging kaibigan si Nicole Kidman.
“Parang kagaya rin dito sa atin. Oo, ‘yun. Eh, natatakot lang ako. Pupunta nga ako ng Amerika eh para rumampa-rampa. Very light lang. Kasi sobrang naging close ako sa kanila and proud ako roon. Dahil din, ‘pag free day ko, wala akong ginawa kundi magluto. Mahilig akong magluto eh. So natikman nila adobo, favorite nila ‘yan, mechado, lumpiang shanghai. Of course, ‘yung iba doon, ino-order ko lang. ‘Di ba lumpiang shanghai ang hirap anuhin ‘di ba... Pero ino-order ko sa pinakamasarap na gumawa doon (sa US). ‘My God, this is so good.’ So, can you make, ‘hoy, sister, gumawa ka ulit nagustuhan. O-order ako. Akala nila ako nagluluto lahat. Pero ‘yung adobo, mechado, ako ‘yun,” umpisa ng kuwento ni Ms. Ruby sa amin kahapon kung saan isa siya sa mga bida ng pelikulang Outside de Familia, writted ang directed by Joven Tan na showing na sa mga sinehan this July 27.
Sinu-sino ang nakatikim ng adobo mo? “Ay, lahat,” na ang tinutukoy ay ang lahat ng kasama niya sa Expats.
“Oo, from the producer to...”
Si Nicole, anong reaction niya sa adobo mo? “Si Nicole, vegetarian. Pero napatikim ko siya ng pandesal natin. ‘Oh, this is wonderful, Ruby.’ Ganun siya magsalita eh, malambing,” sabi pa ng mahusay na actress.
Ube pandesal?
“No, pandesal. Iba pa ‘yung ube pandesal. ‘Yung pandesal kasi it’s in the script. So, they were discussing..., what’s pandesal? Eh si Sir director, syempre dahil alam niya ‘yung script, ‘yung istorya, sinabi niya na, oh that’s like a dinner bun for them. No, let’s ask Ruby, ‘Ruby what’s,’ eh ikaw naman sensitive ka dapat saka very Pinoy ‘di ba ano tayo, pabongga, magarbo. ‘Yung gusto nating very hospitable tayo. So, nag-order ako. Nagpa-ano ako ng pandesal. Worth..., mahal. $50 a box. Naloka ako. At last na talaga ‘yun. Isang dosena edi magkano isa nu’n. Kasi hindi ako bumili ako Goldilocks o dun sa mga ano, nagpagawa ako,” pagkukuwento niya tungkol sa pandesal.
“Oo, ‘yung traditional (pandesal) tapos pina-box ko. Tapos, inalam pa kung ano ‘yung mga ingredients.”
Pero, ‘yun nga the fact na pumayag siyang tikman ‘yun. Ang laki ng tiwala sa’yo? “Oo, hindi lang pandesal ang pinatikim ko sa kanya pati ensaymada. Nagpagawa rin ako. Naghanap ako sa Beverly Hills ng pinakamagaling... Hindi ako nagbibiro, ‘ng pinakamagaling,’ sabi kong ganun. Kalahati ng talent fee ko napunta dun. Kasi ‘yun ‘yung kinukwento niya eh. Ang naloka ako, after nu’n, Oh, my God. Kung alam ninyo lang kung magkano. $50 a box. Eh, sampu ang in-order ko. Hindi nga ako bumibili ng mga bag na ano lagi lang ako sa mga outlet. So talagang, huh $500? Oh, my God. Sabi ko ‘sige’ na pikit mata. Dalawang box dun napunta kay Nicole, the rest sa lahat,” mahaba pa niyang kuwento.
Hindi niya mabilang kung ilang shooting days siya pero proud si Ruby na naipakita niya ang kanyang husay sa nasabing series tho aminado siyang hindi niya sinasadya na mapunta sa kanya ang nasabing proyekto.
Pero ano ‘yung unforgettable moment niya with Nicole?
“Unforgettable ‘yung nag-eksena kaming madrama. That was one of the most important scenes sa entire series. Tapos ‘yung parang eksena niya talaga ‘yun,” sagot niya sa amin.
“Siya ‘yung mahaba linya. Ang linya ko, ‘yes ma’am, okay ma’am’. Ganun lang. Pero, pa’no mo idi-deliver ‘yun? ‘Yan ang challenge. ‘Yun ‘yung sinasabi ko. Kahit na maliit ang linya, maliit ang role, pangatawanan mo nang maayos. Kasi, ang acting hindi rin naman para sa ilan din eh. Ipakita mo ‘yun. Natuwa siya, kasi ‘yung kabatuhan niya, meron siyang nakukuha ika nga. After that, ‘yung nasabi niya, ‘yung sobrang papuri niya sa akin, ganyan tapos ‘yun nga nung tinanong ko siya. Can I ask you something? Sabi niya, ‘what is it?’ Parang kahit ano hingin ko dapat nun... Sabi nga nung mga ano, sana raw humingi ako ng bag. Sinabi ko na sa kanya, ‘are you wearing contact lens?’ Tawa siya, ‘no,” pag-aalala pa niya sa mga naging experience habang nakikipag-trabaho sa Hollywood production.
Dagdag pa niyang kuwento: “Kasi ang ginawa ko nu’n, nag-react lang ako. Nakatingin lang ako sa mata niya (sa eksena), nagri-react lang ako. Kasi, wala naman ako masyadong minemorize nu’n kasi, hindi naman mahaba ang linya doon sa eksena naming dalawa. So, nagpadala lang ako. Kumbaga, ‘yung principle nung acting is acting. Ginawa ko lang naman. That’s very memorable.
“Tapos, ‘yung mga small talks namin, because she’s really very, very warm,” papuri niya pa sa actress na sabi ay one of world’s highest-paid actresses.
“May mga nagtatanong nga ‘Is she a diva?’ No. I didn’t see that. Never. Not a single moment. Very kind siya sa mga crew. Ang hilig niyang magpakain.
“Mahilig silang magpasabog dun. At major pasabog, kunwari, kunwari lang Starbucks. Dala ang Starbucks doon. Hindi ‘yung magpapabili lang.”
Dahil sa pagkain kaya raw sila naging close. “Alam niyang matakaw ako,” sabi pa ni Ms. Ruby sa aming interview.
Kasi raw doon ‘pag artista ka pwede kang magpakuha ng pagkain, pero gusto niya raw ay pumipila para makapili siya.
“So, every time meron siyang pasabog na whatever, kunwari meron siyang, I forgot the name, may pinatikim siyang bread. Parang dun lang meron sa kung anong state ‘yun sa America na dinala niya nu’n. ‘Did you give, Ruby?’ Sabi ko, ‘No, I will line up. Don’t worry.’ So alam niyang maasahan ako sa kainan.”
May communication pa kayo up to now?
“Yes. Hindi naman kami super close ‘no but, I can say confidently, when she sees me, makikilala niya ako and she will call my name. Hanggang ngayon, yes. Meron pa rin kaming communication.”
Anyway, mapapanood din sa Outside de Familia sina Gelli de Belen, Luis Alandy with Sheila Francisco. Kasama sa iba pang cast members sina Matet de Leon, Rey ‘PJ’ Abellana at Peewee O’Hara na nagpapakilala kay Dwayne Garcia. Mapapanood ito sa mga sinehan simula Agosto 27, 2025.
- Latest




















