^

PSN Showbiz

Maven, natupad ang hiling na maging singer-rapper

Pilipino Star Ngayon
Maven, natupad ang hiling na maging singer-rapper
MAVEN
STAR/File

Nagbalik-tanaw ang baguhang singer at rapper na si MAVEN o Dustin Gipala sa totoong buhay sa kanyang humble beginnings kasabay ng paglunsad niya ng kanyang debut extended play (EP) na Papunta Na Ako.

“Sinong mag-aakala na yung batang lumaki at patambay-tambay lang sa eskinita ay magiging kauna-unahang hip-hop artist ng Star Music. Dati tanging sarili ko lang ang nakakaalam ng mga ideya at kanta ko pero ngayon sobra-sobra pa yung nangyayari sa hinihiling at pinagdadasal ko noon,” saad niya sa TikTok post.

Tampok sa mini album ang anim na orihinal na komposisyon ni MAVEN tungkol sa init ng damdamin. Kabilang sa mga kanta nito ang Papunta Na Ako, Gustong Gusto, Dito Ka Muna, Totoo, Balang Araw, at Sumama Ka na prinodyus nina Cursebox at Young JV.

Sa key track na Balang Araw, ipinagtapat ni MAVEN ang kanyang nararamdaman para sa taong iniibig.

Unang nakilala ang Kapamilya rapper nang sumali ito sa blind auditions ng The Voice Kids noong 2015.

Kasunod nito, sumabak naman siya sa unang season ng Tawag ng Tanghalan Kids noong 2019. Naging ganap siyang recording artist nang ilunsad ang debut single na Dito Ka Muna nitong Mayo.

Available ang Papunta Na Ako EP ni MAVEN sa iba’t ibang streaming platforms.

RAPPER

SINGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with