^

PSN Showbiz

Bagong iWant simula na, Love at First Spike exclusive

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bagong iWant simula na, Love at First Spike exclusive
Emilio Daez at Reign Parani.
STAR/ File

Pinasaya at mas pinadali na pala ang panonood sa iWant, simula noong Hunyo 12 sa smart TVs.

May bagong itsura ang iWant para umano’y mas mabilis, mas malinaw, at mas maayos na panonood ng paborito mong mga palabas, pelikula, at live content.  At mas madaling hanapin ang tren­ding, bagong episodes, at mga kilig, senti, o gigil na eksena, depende sa mood mo.

Mas pinalawak na pagpipilian ng mga palabas mula sa telebisyon gaya ng FPJ’s Batang Quiapo,  mga pelikula, at online series na swak sa mood at vibes ng mga manonood — mula kilig, gigil, hanggang senti at iba pa.

Bida rin sa bagong iWant ang iWant Originals series gaya ng Love at First Spike na pinagbibidahan nina Emilio Daez, Sean Tristan, at Reign Parani; trending na mga palabas gaya ng PBB Collab Celebrity Edition; at mga eksklusibong content gaya ng dokyu tampok ang nation’s girl group na BINI at director’s cut ng MMK ni Charo Santos.

Patikim pa lang umano ito bago ang paglunsad ng bagong iWant sa Hulyo, kung saan magiging available na rin ang bagong experience sa mga cell phone at tablet.

Sa halagang P35 kada buwan, matutuwa na nga ang mga pamilya sa panonood.

Available rin ito sa Chromecast at AirPlay.

EMILIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with