Kira, pangarap maging Dyesebel

Kabilang ang former PBB: Celebrity Collab Edition housemates na sina Kira Balinger at Emilio Daez sa Star Magic Spotlight presscon na ginanap noong May 2, 2025, sa Coffee Project, Wil Tower, Quezon City.
At masayang ibinahagi ng ‘Hopeful Belle ng Cavite,’ na si Kira Balinger ang kanyang mga karanasan sa loob ng bahay ni Kuya, “Everything played out exactly how it was supposed to. It may have taken me longer than the others to open up, but I’m super proud of my experience. I’m happy with my journey inside the house, and I don’t think there’s anything I would like to redo,” sabi nya.
Samantala, ibinahagi naman ni Emilio kung paano siya mas naging konektado sa kanyang sarili dahil sa naging kapaligiran sa loob ng bahay: “Mas nakilala ko ‘yung sarili ko. Kasi sa bahay ni Kuya, marami pong mga beses na nagre-reflect ka talaga mag-isa kasi wala kang cellphone, wala kang distractions… Kasi pagpasok ko ng bahay, one of my goals was to become a better actor.
“And how can I become a better actor? I have to understand myself first more. So, talagang dinadamdam ko talaga lahat ng nararamdaman ko, pinapansin ko, and I believe that’s one of the keys to become an actor. You have to understand yourself first, feel everything, and hopefully it will translate on screen,” pahayag niya.
Dagdag pa ni Emilio, “Ang hirap maniwala na parang ang warm ng reception ng mga tao sa inyo… It really just makes me want to be a better person, work harder, and be the best that I can be para sa lahat ng mga sumusuporta.”
Ikinuwento naman ni Kira kung paano siya natulungang maging bukas sa ibang tao ng kanyang mga karanasan: “Before going into PBB, sobrang introverted ko po. I had a very hard time socializing with people my age. Pero ngayon po na nag-PBB ako, na-survive ko ‘yon, and I know that I have good people as my friends… In other words, sobrang nag-improve po ‘yong social skills ko.”
Unang napanood sa mga palabas at pelikula tulad ng Darna, Chances Are, You and I at Maple Leaf Dreams, nakwento ni Kira ang kanyang mga plano sa pag-arte sa hinaharap: “For the longest time po, I’ve always been doing the bida roles—the good girl roles, the rich girl—so I really want to try, kontrabida naman… ‘Yon, at saka ano... nahihiya ako sabihin—pero, Dyesebel. Dyesebel talaga. ‘Yon yung isa sa mga dream roles ko.”
Para naman sa ‘Mr. Bankable Achiever ng Pasig City’, bago siya pumasok sa PBB, nakilala na siya sa pag-arte sa television drama-thriller na Pamilya Sagrado, kung saan kasama niya sina Piolo Pascual at Kyle Echarri.
Unti-unti nang matutupad ang kanyang pangarap na maging isang leading man dahil bida siya sa upcoming iWantTFC original series na Love At First Spike, na tiyak na magpapakilig sa kanyang mga taga-suporta.
Nang tanungin si Emilio tungkol sa posibilidad na makatrabaho si Kira, sinabi niyang gusto niyang makasama ito sa isang action project.
“Napag-usapan din namin na you’re also into action [Kira]. You haven’t also tried it, so if we were given the chance, I think action would be amazing.”
Samantala, nang tanungin si Kira kung bukas siyang makatrabaho si Emilio sa mga proyekto gaya ng posibleng second season ng Bagani, kung saan gaganapan nila ang dating roles nina Enrique Gil at Liza Soberano, sinabi niya na : “Absolutely. Bagani, that was super iconic. To follow in their footsteps, that would be a huge honor.”
Sina Kira at Emilio ay dalawa lamang sa mga housemate ng Star Magic mula sa PBB: Celebrity Collab Edition na mas nakikilala ng fans, salamat sa kanilang mga natatanging karakter na ipinakita sa loob ng bahay.
Ngayong nasa labas na muli ng Bahay ni Kuya, sila ay excited na magpakita ng kanilang talento at patunayan ang kanilang sarili.
- Latest





















