^

PSN Showbiz

Tom, nilantad ang jowang Amerikana at anak nila!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Tom, nilantad ang jowang Amerikana at anak nila!
Tom Rodri­guez.
STAR/ File

Ang bongga naman ni Tom Rodri­guez na pinost na ang diumano’y mag-ina niya.

Makikita sa kanyang post na nakatalikod ang non-showbiz partner niya karga ang baby nila na malayo ang kuha.

Kaya naman kahit anong zoom in ng mga marites ay hindi makikilala ang girl dahil malayo ang kuha.

Halata namang white ang mommy ng baby niya na naka-swimsuit sa litrato sa social media account ng aktor.

Inamin na rin naman noon ni Tom na hindi iyon Pinay.

Mukhang pakonti-konti lang ang paglantad ni Tom sa partner niya pero mukhang malapit na niya itong ipakilala sa lahat.

Bongga si Tom.

Deserved niya ang happiness na nadarama niya ngayon sa piling ng mag-ina niya pagkatapos ng mga pinagdaanan niyang pagsubok sa buhay.

Common knowledge ang nangyari sa kanila ng aktres na si Carla Abellana na ilang buwan pagkatapos nilang ikasal ay naghiwalay rin sila.

Wala rin namang dapat itago si Tom dahil naka-move on na sila pareho ng ex-wife niya na hindi nila inamin ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Sinabi rin niyang nakilala niya ang partner pagkatapos ng divorce nila ni Carla.

At pinangalanan nilang Korben, na anagram daw ng salitang ‘broken.’

Hindi pa nga raw niya naranasan ang gano­ong saya kung saan meron na siyang constant source ng inspirasyon.

Kung noon nga raw ay tumatanda siya pero ngayon ay pakiramdam niya bumabata raw siya dahil sa anak.

Bongga.

TOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with