^

PSN Showbiz

Jaclyn Jose, inaalala ang ika-isang taon sa langit

Pilipino Star Ngayon
Jaclyn Jose, inaalala ang ika-isang taon sa langit
Jaclyn Jose.
STAR/ File

Naka-isang taon na rin pala sa kabilang buhay ang batikang actress na si Jaclyn Jose.

Pero ayon kay Direk Adolf Alix, naiiyak pa rin siya tuwing maaalala niya ito.

“It’s been a year. Your memory brings both tears and smiles, and I am forever grateful for the privilege of being your family and friend. You might be gone, but your legacy lives on!

“We shall continue to celebrate the incredible life you lived and the profound impact you had on everyone lucky enough to know you.

“We miss you dearly Ms. Jane! Cheers in heaven!”

Parang kailan lang nang matagpuang walang buhay ang actress sa kanyang bahay sa QC.

Siya ang nag-iisang Pinoy na nanalo ng Best Actress sa Cannes Film Festival para sa pelikulang Ma’ Rosa kaya naman nakaukit na ang pangalan niya sa kasaysayan ng Philippine movie industry lalo na’t walang sinasabing maaaring makapantay sa husay niya sa pag-arte.

Ogie at Regine, nagpaalam na sa Kapamilya tower

Nagpaalam na ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa Kapamilya tower.

Sa post kahapon ni Ogie pagkatapos nilang mag-ASAP ng misis kung saan nag-celebrate ng 30th anniversary ang noontime show : “We say farewell to a Tower of strength and a Tower that served the Filipino.”

Tuloy na nga ang paggiba sa dating main building ng ABS-CBN kung saan nakatayo ang nasabing tower.

Ito ay matapos sabihin ng ABS-CBN Corporation last week na pirmado na ang deal nila sa Ayala Land Inc. (ALI) para sa pagbebenta ng bahagi ng ari-arian nito sa Quezon City – 30,000 square meters mula sa kabuuang 44,027.30 sqm ng property sa halagang P6.2 bilyon.

JACKLYN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with