^

PSN Showbiz

Lamentillo, ginawaran ng Adopted Lakan Award ng PNP Academy

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Lamentillo, ginawaran ng Adopted Lakan Award ng PNP Academy
Anna Mae Yu Lamentillo

Ginawaran ng Philippine National Police Academy Alumni Association Inc. (PNPAAAI) si Anna Mae Yu Lamentillo ng Adopted Lakan Award sa ginanap nitong ika-44 na Grand Alumni Homecoming noong Marso 8, 2024.

Si Ms. Anna Mae ay isang adopted member ng PNPA Bagsay-Lahi Class of 2006.

“Lubos kong ikinararangal ang pagkilalang ito mula sa PNPAAAI. Ang pagiging bahagi ng iginagalang na organisasyong ito ay isa nang pribilehiyo. Kaya’t inihahandog ko ang aking trabaho at adbokasiya para sa pag-angat ng aking PNPA Class Bagsay-Lahi, at sa pagsusulong ng misyon ng PNPA Alumni Association na mag-ambag sa pangkalahatang kaunlaran ng ating bansa,” say niya.

Siya ang chairperson ng Build Build Build (BBB) Committee ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong panahon ni former president Duterte at concurrent chairperson ng Infrastructure Cluster Communications Committee.

Sa panahong ito, nakipatulungan siya sa PNP para sa mga proyekto ng Tatag ng Imprasktraktura para sa Kapayapaan at Seguridad (TIKAS) na nagbigay ng mga pasilidad sa imprastraktura para sa iba’t ibang unit ng PNP.

Sa kasagsagan ng pandemya, nakipagtulungan din siya sa PNP sa pagbuo at pamamahala ng COVID-19 isolation facilities at modular hospitals. Ang mga imprastrakturang ito ay mahalaga sa pagpigil ng virus at sa pagpapalaki ng kapasidad ng mga ospital noon.

Noong 2022, siya ay hinirang na Undersecretary for Public Affairs and Foreign Relations ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kung saan pinamunuan niya ang strategic communications at media, international relations, at legislative affairs ng Department. Pinangunahan din niya ang mga pagsisikap ng Departamento na may kaugnayan sa Build Better More upang suportahan ang pagsusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang tunay na digital na Pilipinas.

Sa kasalukuyan, siya ay nag-aaral sa London School of Economics at nagsisilbi bilang Chief Future Officer ng Build Initiative, isang non-profit na organisasyon na naglalayong mag-ambag sa pagbuo ng isang sustainable at inclusive na lipunan sa pamamagitan ng paggamit ng kapangyarihan ng digital na teknolohiya.

Congratulations, Ms. Anna Mae.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with