^

PSN Showbiz

LJ, identified pa rin kay Paulo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
LJ, identified pa rin kay Paulo
LJ Reyes at mga anak

Kahit kanya-kanya na ang buhay

Ewan ko ba kung bakit pag nakikita ko si Paulo Avelino, si LJ Reyes ang naiisip ko kahit nga may kanya-kanya na silang buhay.

Actually hindi lang naman si Paulo ang may anak kay LJ, pati si Paolo Contis ay may isa rin daughter kay LJ.

Mabuti naman at ngayon ay maligaya na sa married life niya si LJ at naka-base na sa USA.

Ganundin naman sina Paulo at Paolo sa kani-kanilang buhay.

Sana ganito ang buhay para sa lahat, happy, no problem.

At hindi ba parang ang liit talaga ng mundo ng showbiz.

Imagine from Paulo Avelino, to Paolo Contis ang ama ng dalawang anak ni LJ Reyes.

Siguro nga talagang ganun ang kapalaran, mapagbiro kung minsan.

Pero sa huli, ibibigay din ang happiness na para sa iyo tulad ni LJ na kasal na sa negosyanteng si Philip Evangelista.

Talagang kung medyo magulo ang journey mo sa buhay, in the end isa pa rin happy ending ang mapupunta sa iyo.

Iyan na lang ipagdasal nating lahat, isang maganda at maligayang ending para sa lahat.

Dahil sa buhay natin, hindi naman lungkot habang buhay. Dapat meron din ligaya dahil unfair naman na hindi ka makatikim kahit konti man lang na kaligayahan sa buhay.

Ganyan siguro ang buhay para kay LJ ganundin sina Paulo Avelino at Paolo Contis.

Sana naman magpatuloy din ang happiness nila at walang mangyari para ito ay maputol.

Hay, sana all talaga.

‘Yung lahat lang masaya, walang nega.

Hindi na uso ngayon ang mga nega noh. Maging mabait na lang lahat at hanapin ang totoong kaligayahan sa buhay.

vuukle comment

ACTRESS

LJ REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with