^

PSN Showbiz

Lovi, binitbit ang alagang aso sa Amerika

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Lovi, binitbit ang alagang aso sa Amerika
Lovi Poe

Natuwa ang press people dahil sa simula palang ng interview ni Lovi Poe, nagpasalamat na siya sa tulong ng press sa kanyang career mula nang mag-umpisa siya when she was 15 years old.

“You’ve been part of my life, each and everyone of you. I am grateful to all of you and I just wanna say thank you, I really value each and everyone of you,” wika ni Lovi.

Kaya naman, ginawan ng paraan ni Jun Lalin na makapag-celebrate si Lovi ng kanyang birthday kahit belated na dahil noon pang February 11 ang kanyang kaarawan.

Provided ng Super Sam restaurant ang masarap na ube cake, kinantahan ng press ang actress na ngayon ay film producer na rin, ng happy birthday. Teary-eyed si Lovi na nagpasalamat.

Bumalik na nga si Los Angeles si Lovi at sa April na raw ang kanyang balik sa Pilipinas, medyo matagal at sa kanyang pagbabalik, marami pa rin siyang mga ganap sa kanyang career.

Isa na rito ang launching sa May ng isang product na secret muna kung ano, basta excited si Lovi rito.

Samantala, sa Instagram story ni Lovi, naka-post ang pag-alis nila ng pet dog niyang si Se?orito.

Sa unang photo, parang nakangiti si doggie nang makita ang luggages ni Lovi, sa second photo, nasa loob ng maleta si doggie na tila, maleta ng mga gamit niya.

Sa isa pang photo, nakasakay na sa trolly si Se?orito at may photo pang kasama siya ni Lovi sa car.

Nasa LA na nga ang pet ni Lovi, isinama siya para hindi siya ma-miss ng kanyang mama.

Dasuri Choi, nagpapansin kina Piolo at Alden

Hindi na si Andrea Brillantes ang kasama ni Alden Richards sa new campaign ng isang energy drink at sa halip, si Maris Racal na. So, totoo ang balita na pinalitan si Andrea.

Walang sinabi kung bakit pinalitan si Andrea na nabalita na noong kainitan ng controvery sa pagkaka-link ni Andrea kay Daniel Padilla. May kinaalaman kaya ang isyung ‘yun kung bakit napalitan si Andrea sa nasabing energy drink?

Speaking of Alden, hindi magugustuhan ng fans nila ni Piolo Pascual ang sinabi ni Dasuri Choi sa kanyang vlog na mas bagay sina Piolo at Alden.

Kahit nagbibiro si Dasuri, hindi pa rin ito magugustuhan ng fans ng dalawang aktor. Sa vlog, kasama ni Dasuri ang kanyang pamilya at pinag-usapan kung sino sa Pinoy male celebrities ang bagay maging asawa ni Dasuri.

Kabilang nga sina Piolo at Alden sa mga nabanggit na pinagpilian nina Dasuri at ng kanyang pamilya. Actually, ang sister ni Dasuri ang unang nag-comment na parang mas bagay sina Piolo at Alden at nag-agree si Dasuri sa sinabing, “Silang dalawa raw! Silang dalawa na lang daw bagay.”

Sabagay, hindi na seseryusuhin nina Alden at Piolo ang isyung ito.

Kaya lang, may mga fans ang dalawa na tiyak magre-react, kaya lagot ka Dasuri.

Royal...nasa streaming na!

Wish granted ang mga nag-request na ilagay ng GMA Network sa Netflix ang Royal Blood  dahil simula March 15, streaming na sa Netflix ang hit crime-framily drama series.

Pinangungunahan ni Dingdong Dantes ang cast ng Royal Blood na nagpalitaw sa husay ni Rhian Ramos at husay nina Megan Young at Mikael Daez sa kani-kanyang role.

Nakipagsabayan din sina Rabiya Mateo, Lianne Valentin at Dion Ignacio sa aktingan at pati young cast, tumatak din sa viewers.

Of course, napakahusay din dito ni Tirso Cruz 111 as the patriarch of the Royales family.

vuukle comment

ACTRESS

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with