^

PSN Showbiz

Korean idol na si Park Hyung-sik, mabilis natutong mag-tagalog

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Korean idol na si Park Hyung-sik, mabilis natutong mag-tagalog
Park Hyung-sik
STAR/ File

Isa sa pinakamasayang fan meeting ng mga Korean idol ang SIKcret Time in Manila: Park Hyung-sik’s 2024 Asia Tour Fan Meeting ng actor - singer na si Park Hyung-sik na ginanap sa Smart Araneta Coliseum last Saturday night.

Umaapaw ang kilig at good vibes dahil sa pinakitang kabaitan ng bida sa Korean drama series na Doctor Slump.

Iba ang charm ni Park Hyung-sik kung saan nakipagkulitan siya sa host na si Janeena Chan at Pinoy fans na dumagsa sa Araneta nung gabing ‘yun.

Advantage na singer talaga siya kaya kahit ‘di mo naman naintindihan ang kanta ay affected ka.

At ang nakakatuwa, paulit-ulit siyang nagpapasalamat sa mga nanood na nag-effort pa ang iba na mag-rent ng outfit – may naka-wedding dress at naka-Hwarang outfit (title ng isang Korean drama na ginawa niya).

At ang bilis niyang natutong mag-Tagalog.

Kaya naman sabog ang fans niyang nagpunta nung gabing ‘yun.

Ilan sa mga salitang mabilis niyang nabigkas ay “nakakaloka,” “naloloka ako sa ‘yo,” “ano ba ‘yan?” “keri,” “kaya,” “maraming salamat po” at “mahal kita.”

Magaling din kasing host si Janeena Chan at mabilis ang interpreter ni Park Hyung-sik kaya talagang parang relate ang lahat.

Maganda rin ang ginawa ng producer ng fan meeting na imbes na English ang translation na pinapakita sa screen, Tagalog ang ginamit nila kaya mas masaya.

Panay rin ang promote nito ng ongoing series niyang Doctor Slump na sa totoo lang ay ang ganda ng story dahil tungkol sa mental health pero magaan ang pagtalakay nila.

Ka-partner niya rito si Park Shin-hye na una na niyang nakatambal sa The Heirs starring Lee Min-ho.

Nung matatapos na ang fan meeting ay kita mo talagang ang saya niya.

Marami na kaming napanood na fan meeting ng mga Korean star pero isa talaga toh sa super fun kaya sulit ang mga nagbayad.

Sa huli ay nagbigay siya ng mensahe sa fans “After 4 years, I was able to return here. Thank you so much for all your passionate love. I sincerely thank you for your support of my drama ‘Doctor Slump.’ I want to make more opportunities in the future, so I can’t meet you more often.”

Mga senador, nahati sa wedding reception nina Chiz / Heart at birthday nina Enrile at Jinggoy

Ang daming ganap nung Sabado ng Gabi.

Bukod sa fan meeting ni Park Hyung-sik, ginanap din ang reunion concert ng Rivermaya na hindi pala soldout.

That night din naganap ang successful first ever concert ng The Voice USA season 19 fan favorite Ryan Gallagher na The Voice of Ryan sa Music Museum.

Nahati naman ang mga pulitiko at ilang government officials sa 100th birthday celebration ni Juan Ponce Enrile at birthday celebration ni Senator Jinggoy Estrada.

Kasabay rin nito ang renewal of vows reception after nina Senator Chiz Escudero and Heart Evangelista.

Pero present daw sa ginanap na reception ng exclusive renewal of vows nina Mr. & Mrs. Escudero Sen. Robin Padilla and Sen. Bong Revilla and Rep. Lani Mercado.

Andun din sina Senators Loren Legarda, Cynthia Villar, Mark Villar, Nancy Binay, Sonny Angara and wife Tootsy, Grace Poe, Joel Villanueva, Bong Go, Alan Cayetano and Rep. Lani Cayetano.

Anyway, si Michael Leyva pa rin ang gumawa ng reception outfit ni Heart na halos limang araw na raw walang tulog pero bumiyahe na kaagad.

Ayon sa kanyang trusted assistant : “Safe flight ganda at matulog ka sa plane,5 days straight halos wala kang tulog,yung vitamins mo itodo mo na.”

Nakaalis na nga si Heart ng Pilipinas at ang post niya ay “Paracetamol and kisspirin is all I need and I’m off.? what a week !:) thank you for all the sweet greetings!?

“Catch you later Manila!”

Grabe noh paano na lang kung nakatulog siya nang mahaba, mas dyosa pa siguro si Heart.

vuukle comment

PARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with