^

PSN Showbiz

Zaijian at Miggy, bumenta na BL loveteam

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Zaijian at Miggy, bumenta na BL loveteam
Zaijian at Miggy

MANILA, Philippines — Todo ang pasasalamat nina Zaijian Jaranilla at Miggy Jimenez, o mas kilala sa love team nilang TimPoch, sa mainit na pagtanggap ng viewers sa kanilang tambalan sa Kapamilya teleseryeng Senior High na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes.

Inamin ng dalawang aktor na hindi nila inaasahan ang mga positibong komento ng mga manonood para sa kanilang BL love team, lalo na para sa kissing scene ng kanilang mga karakter na sina Tim (Zaijian) at Poch (Miggy).

“Sobrang nakakataba ng puso dahil nagustuhan at minahal siya ng mga tao. ‘Pag magkakaeksena kami, nagtatanungan kami kung hanggang saan lang ba pwede. Importante ‘yung communication namin dahil hindi basta-basta ‘yung scenes na ginagawa namin,” sabi ni Zaijian sa isang interview noong Forever Grateful: ABS-CBN Christmas Special 2023.

Nagpasalamat din si Zaijian sa paggabay ng kanilang mga direktor sa serye at labis din siyang natutuwa kapag nakaka-relate ang viewers sa kanyang karakter na naguguluhan pa raw sa tunay nitong sekswalidad.

Ikwinento naman ni Miggy na patuloy nilang papakiligin at magbabahagi ng mahahalagang aral sa mga manonood.

“Sobrang overwhelming but at the same time ayokong ipasok sa head ko. Ayokong sirain ‘yung chemistry na meron kami. We didn’t even plan it at all kaya gusto ko siyang i-treasure. I have to be grateful,” sabi niya.

Naging patok sa netizens ang nakakakilig na mga eksena nina Zaijian at Miggy kamakailan at patuloy nilang pinuri ang Senior High sa pagtatalakay ng importanteng mga isyu na kinakaharap ng mga kabataan ngayon.

vuukle comment

MIGGY JIMENEZ

ZAIJIAN JARANILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with