^

PSN Showbiz

The EDDYS 2023, tuloy na tuloy na sa Nobyembre 26

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
The EDDYS 2023, tuloy na tuloy na sa Nobyembre 26
Piolo
STAR/ File

Tuluy na tuloy na ang inaabangang ikaanim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of the Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong taon.

Matapos ma-postpone ang nakatakda sanang awards night nitong nagdaang Oct. 22, inanunsyo na ng pamunuan ng SPEEd, sa pamamagitan ng Presidente nitong si Eugene Asis na magaganap na ang Gabi ng Parangal sa darating na Nov. 26, Linggo.

Gaganapin ito sa Aliw Theater, CCP Complex, Pasay City.

Ito’y mula sa direksyon ng award-winning actor-director na si Eric Quizon. Magsisilbing host naman ng awards night si Piolo Pascual.

Ang 6th edition ng The EDDYS ay ihahatid ng Airtime Marketing Philippines ni Tessie Celestino-Howard. Magkakaroon din ito ng delayed telecast sa A2Z Channel.

Sa inilabas na official statement ng SPEEd, sinabi ng presidente ng samahan ng mga entertainment editors sa bansa na kinailangang kanselahin pansamantala ang The EDDYS na unang naka-schedule noong Oct. 22 dahil sa ilang hindi inaasahang pangyayari na rin na hindi kontrolado ng orga­nizer at producer.

Dahil dito, minabuting ilipat ng petsa at venue nito. Lubos ding humihingi ng paumanhin ang organizer at producer ng naturang event sa nominees, at ng iba pang involved sa produksyon at sa publikong naghihintay nito taun-taon.

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

vuukle comment

EDDYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with