^

PSN Showbiz

Alessandra, nahirapang maging ina!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alessandra, nahirapang maging ina!
Alessandra
STAR/ File

HIndi nahirapang gumanap na nanay si Alessandra de Rossi sa pelikulang Firefly kahit na hindi pa niya naranasang maging ina.

Ang mga alaga niyang ibon daw ang kanyang inspirasyon sa kanyang karakter.

“I have birds. Sila ‘yung inspiration ko,” pahayag ng kapatid ni Assunta de Rossi.

Inamin din niya na ayaw na rin sana niya na  tumanggap ng kontrabida role. Ayaw naman daw talaga niya ito simula pa lamang pero wala naman daw siyang choice dahil kailangan niya ng trabaho.

“Ang sinabi ko is, ‘Ayoko na sana, given the chance ever, tumanggap ng kontrabida.’ Because ayoko naman siya from the start. Wala naman akong choice kasi kailangan kong magtrabaho,” sey niya nang tanungin siya ni Kuya Kim Atienza sa Dapat Alam Mo!

May dahilan naman pala siya kung bakit ayaw niyang gawin ito, ito raw ay dahil ayaw niyang bigyan ng sakit ng ulo ang mga manonood.

Ayaw pala niyang kinaiinisan siya ng mga ito dahil sa kanyang pagganap dahil nasasaktan daw siya.

“Pero ‘yung cancer cells na naibibigay ko sa kanya, hindi naman tama ‘yun. So we go for touching stories,” dagdag pa niya.

Ang bongga naman pala ni Alessandra na iniisip ang kapakanan ng viewers at mga tagahanga niya.

At least hindi siya katulad ng iba na patol sa lahat ng role para lang kumita na kung tutuusin ay wala namang masama dahil choosy ka pa ba sa panahon ngayon?

Siyempre hindi na.

Dapat maging praktikal na.

Iba siguro sa kaso ni Alessandra dahil wala naman siyang binubuhay na pamilya.

vuukle comment

ALESSANDRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with