^

PSN Showbiz

Jean, aktibo na ulit!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kasama sa seryeng Maging Sino Ka Man si Jean Saburit. At mabuti naman at nakita siya ng showbiz writers sa presscon nun dahil akala nila nasa abroad ito  dahil tahimik.

Tiyak maganda siyang suporta para rito. Mahusay at mabait na artista si Jean na dati kong alaga kaya nakapagtataka na hindi siya busy sa paggawa ng serye.

Now na nakikita siya alam na ng mga taga-production na available siya at anytime puwedeng gumawa ng project.

Bong, tambak ang mga tinutulungan

Natawa ako sa halip na magalit nang ikuwento ni Gorgy Rula ang nangyari sa office ni Bong Revilla.

Meron daw humihingi ng financial assistance na nagreklamo nang makita na maliit lang ang binigay na pera sa kanya. Sinumbatan daw nito ang staff ng office na nagbigay at sinabi na ‘siguro ‘pag si Lolit Solis malaki binibigay n’yo.’

Nakakatawa ‘di bah! Para bang sa lahat ng bagay gusto akong isali.

Sa totoo lang hindi alam ng marami na ang mga alaga ko parang mga anak ko na nanay ang tingin sa akin. Hindi ko sila kailangang hingan, alam nila kung ano ang kailangan ko.

Nakakatawa dahil nanghihingi na lang gusto pang gumamit ng ibang tao. Basta kaya ni Bong  tumulong gagawin niya, pero dapat maintindihan din natin na sa rami ng tinutulungan niya hindi rin kaya na magbigay ng sobrang laki.

Sana kung humihingi ng tulong maging maayos din. Huwag parang entitled na parang dapat special siya.

Nakakainis na humihingi ka lang, maarte ka pa.

Naku, kung gusto ninyo maging spoiled na gaya ko, dapat lovable kayo. Huwag masama ang ugali dahil masasali kayo sa listahan ng ugly fat ladies.

vuukle comment

JEAN SABURIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with