^

PSN Showbiz

Nanette naalala kay Rhian!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Nanette naalala kay Rhian!
Nanette Medved at Chris

Ewan ko, pero tuwing nakikita ko si Rhian Ramos parang si Nanette Medved ang naalala ko.

Talagang marami silang magkatulad na ugali na talagang hinahangaan ko.

Pareho silang very loyal at sweet. At ang fashion sense nila talagang impressive.

 Sayang nga at hindi nagkasama sa trabaho ang dalawa o sa anumang project kasi nga baka naging bff pa sila kung nangyari iyon.

Hindi ba ang gandang team sana dahil beauty and brains combined ang dalawa.

Eh at this point in time, wala na sa bokabularyo ni Nanette ang showbiz.

Masaya na siya sa kanyang buhay bilang misis ni Chris Po.

Si Nanette ngayon ang tumatayong first chairperson ng Po family council.

May nabasa akong isang interview na sinabi ni Nanette na “Medyo nag-alinlangan ako noon kasi ako ang magiging una if ever, which means I would be set the tone for the future positions. Nag-aalala ako [dahil] nag-iingat ako na  magkamali. Ngunit ito ay isang hindi pangkaraniwang karangalan na hindi ko sasayangin,” sabi niya in English.

Ang galing.

Saka ang bilis ng panahon, 24 years na pala ang relasyon nila ni Chris.

Ang bongga.

Sana nga ay ganito rin ang maging kapalaran ni Rhian sa piling ni Sam Versoza na isang Partylist Representative at negosyante rin.

Nakikita ko sa mga pictures na in love na in love rin sila sa isa’t isa.

Babu.

vuukle comment

NANETTE MEDVED

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with