^

PSN Showbiz

Coco, gustong ipasok ang Kathniel sa Batang Quiapo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Coco, gustong ipasok ang Kathniel sa Batang Quiapo
Kathryn at Daniel
STAR/ File

Isa ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga pinakatinangkilik ng mga tagahanga.

Pinapangarap na makatrabaho ni Coco Martin ang magkasintahan sa FPJ’s Batang Quiapo kung mabibigyan ng pagkakataon. “Siyempre pangarap ko na makatrabaho ‘yung mga ‘yon. Kung saka-sakali magkaroon ng pagkakataon na available sila at pwede. Napakalaking karangalan no’n siyempre sa Batang Quiapo na makatrabaho ang isang Daniel Padilla. Sobrang bait kasi ni Daniel kaya kumbaga sobrang saludo ako sa pagkatao niya at kay Kathryn,” nakangiting pahayag ni Coco.

Naibahagi rin ng pangunahing bida, prodyuser at direktor ng naturang serye na maraming mga artista ang nagpakita sa kanya ng interes upang mapabilang din sa Batang Quiapo. “Sabi ko nga mahaba pa ang journey, marami pang pupuntahan ang kwento. Marami pang pupuntahan ang mga characters. Ngayon kasi through my experiences sa  Ang Probinyano, dinahan-dahan ko. Mahirap kasi kapag na-excite ka. Naging problema ko ‘yan sa Ang Probinsyano, naubusan ako ng actors. Sa dami ng artista sa buong Pilipinas, halos lahat nag-guest sa Ang Probinsyano. Kaya ngayon natututo ako magdahan-dahan,” pagbabahagi ni Coco.

Arjo, tatlo ang gustong maging anak

Masaya si Arjo Atayde para sa buhay pag-ibig ng nakababatang kapatid na si Ria Atayde.

Maayos ang takbo ng relasyon ng aktres at Zanjoe Marudo. Ayon kay Arjo ay mayroon lamang siyang isang hiling sa nobyo ng kapatid. “I am very happy for her. I am just very happy that she found someone who could make her happy. Alam naman ni Ria ever since sa past relationships niya. Hindi po talaga ako nakikialam. I just ask the man of my sister to never hurt her as much as possible. That’s my only request, hindi ba? They are very happy. I am happy,” paglalahad ni Arjo.

Nakikita at nararamdaman umano ng aktor na si Zanjoe ang nagsisilbing inspirasyon para kay Ria sa araw-araw. “Action speaks louder than words. Obviously po they’ve been nothing but great and I think Zanjoe has been a good inspiration to her. I’m very happy for them,” dagdag pa ng actor-politician.

Samantala, matatandaang naganap ang wedding proposal nina Arjo at Maine Mendoza noong July, 2022.

Maglilimang taon nang magkasintahan ang dalawa ngayon. Gusto raw magkaroon ng tatlong anak ni Arjo kapag naikasal na sila ng aktres. “Whatever it is that we could have in the future, definitely in the near future it’s part of our plan. Kung ano ang ibigay ng Diyos. But definitely three at least in God’s time,” pagtatapat ng binata. (Reports from JCC)

vuukle comment

FPJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with