^

PSN Showbiz

Tukso sa showbiz, normal na?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Tukso sa showbiz, normal na?!
Lani Mercado at Bong Revilla

Ewan ko kung masyado akong liberal o medyo mababa ang moral values ko.

Pero alam n’yo ba na para sa akin hindi kasalanan ng mga actor na may asawa kung sakali at natutukso sila magkaroon ng affair sa ibang babae.

Una, buong Pilipinas ay alam na meron na silang asawa pero bakit may mga babaeng pumapatol kung isa kang babae na ayaw ng gulo?

Bakit papayag kang magkaroon ng relasyon eh alam mong may sabit iyon lalaki?

Sana kung sekreto at hindi alam ng lahat na married na ang nasabing lalaki. Pero iyon alam na at hindi naman nakatago na may asawa na, ano pa ang alibi mo?

Ang tukso ay tukso. Nandiyan lagi iyan, mahirap iwasan.

Pero sabi nga, it takes two to dance the tango. Hindi lang si John Estrada ang may kasalanan o sinuman lalaki na nadala ng tukso.

Pinaka-malaki ang tukso sa showbiz.

Maraming magandang kababaihan. Masasabing talagang nagkalat ang magagandang babae at poging lalaki.

Kung magkaroon ng mga one night stand, hindi kataka-taka. Hindi na big deal kung tutuusin.

Talagang kailangan ang mas malawak na pang-unawa sa bahagi ng mga nagkaranas ng medyo mapait na pangyayari.

Pero more than all the pains, pag nalagpasan nila, nagiging mas matibay sila.

Iyon mga couple na nakalagpas sa mga ganitong pangyayari, tignan mo at mas nagtatagal at nagiging matatag.

Kaya naman pasensiya lang, pag nagkaroon ng ganitong pangyayari, medyo lawakan lang ang isip para ma-survive.

Sa dulo, ikaw ang winner, kahit itanong n’yo pa kila Lorna Tolentino at Lani Mercado, laging legal wife ang nagwawagi.

Seryoso ‘yun at walang halong eklay.

Kaya sa mga may pinagdaraanan diyan na mga pagsubok, tibayan para maayos dahil sa huli kayo ang magwawagi.

Bongga.

 

vuukle comment

BONG REVILLA

LANI MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with