^

PSN Showbiz

Ejay, napaaga ang kasal!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ejay, napaaga ang kasal!
Ejay Falcon at Jana Roxas
STAR/File

May nasagap kaming balitang nakatakda na palang ikasal ang actor at Pola (Oriental, Mindoro) Vice Governor Ejay Falcon sa longtime girlfriend niyang si Jana Roxas.

Matagal na rin naman ang kanilang relasyon at nakikita kay Ejay na gusto na nitong mag-settle down.

Sa lahat na mga ginagawa ng actor/politician, nandiyan si Jana na all-out ang suporta sa kanya.

Sa pagkaalala namin, nung ­August last year lang nag-propose si Ejay kay Jana, at maaring inaayos na nila noon ang kanilang kasal.

May nakuha kaming date na March 25 daw, pero hindi sumagot ang ilang taong malapit sa dalawa para kumpirmahin namin.

Abangan na lang natin ang kanilang official ­announcement at ang buong detalye ng kasal.

Paolo, napaamin si Ken!

Nakakaaliw pala itong talk show ni Paolo Contis na Just In sa You Tube channel ng Sparkle.

Riot ang interview niya kina Royce Cabrera at Kokoy de Santos, lalo nang kinuwento nung ginawa nila ang pelikulang Fuccbois na isa isa pinuri sa Cinemalaya nung 2019.

Ang daming na-bleep sa kanilang pag-uusap dahil talagang todo ang mga sinasabi nila.

Ganundin ang interview ni Paolo kay Buboy Villar na ubod din nang gulo pag kausap.

Pero ang ganda ng interview at nakakaaliw silang panoorin.

Ang huli naming napanood sa Just In ay ang interview ni Paolo kay Ken Chan.

Doon in-open ni Ken ang sitwasyon nilang pamilya na huli na lang nila nalamang pang-apat na pamilya pala sila ng ama.

Si Ken na ang breadwinner ng pamilya at inako niya ang lahat ng gastos sa pagpapagamot nang nagkasakit ang kanilang ama. Siya ang gumastos sa kidney transplant ng ama, at pagkatapos nun ay nagka-cancer pa sa Esophagus.

Iyun daw ang panahong tanggap lang siya tanggap ng trabaho para sa panggastos sa pagpapagamot sa kanyang ama.

Gumaling na ito at ngayon ay Cancer-free na raw.

Pero bandang 2019 ay doon nila nalamang may mga kapatid pala siya sa labas - may ibang pamilya pala ang kanilang ama, at sila ang bale pang-apat na pamilya.

Pero sabi ni Ken, nung inamin na raw sa kanila ng kanyang ama, hindi raw siya nakaramdam ng galit.

“Na-excite pa nga ako. May mga kapatid pala ako. Kasi masaya kung maraming kapatid. Pero para sa nanay ko, masakit yun.”

Sa tingin daw niya, kaya ganun ang naramdaman niya dahil parang naramdaman na raw niya noon pa na may itinatago ang kanyang ama.

“Lalo na nag-High school ako, nag-College ako. Hindi ko lang kayang aminin sa sarili ko…kaya siguro hindi ako naka­ramdam ng galit. Kasi noon pa man, alam ko na.

“Ako kasi ang breadwinner sa pamilya namin. So, hindi ko puwedeng ipakita yung weakness o yung lungkot. Pero honestly, hindi talaga ako nalungkot e,” saad ni Ken.

Magkakasama raw ang unang tatlong pamilya, sila lang ang nakahiwalay.

Kaya pinapili raw ng Mama niya ang kanyang Papa kung kanino ito sasama.

Pinili raw ang unang tatlong pamilya, kaya mabigat daw ito sa kanyang ina.

Naisip daw niya na hindi sila ang pinili dahil mas kailangan daw nung unang tatlong pamilya ang kanyang ama.

“Siguro, I’m trying to be positive in every situation. I’m trying to be happy in a simpliest way…ang iniisip ko, pinili ng tatay ko yung kabila, hindi dahil sa mas mahal niya yun. Kundi mas kailangan siya dun.

“Si Mama…dumating sa point na kailangan niyang mag-psychiatrist sa sobrang lungkot at sa sobrang devastated, anxiety, lahat, sa nangyari.

“Pero she’s doing great now. Puro Tiktok lang siya ng Tiktok. At meron siyang bagong laptop,” napapangiting pahayag ni Ken Chan.

Ang dami ngang nagku-comment na dapat ay gawin na itong show sa GMA 7 kahit sa late night na timeslot para ibang klaseng talk show naman ito sa Fast Talk With Boy Abunda.

vuukle comment

EJAY FALCON

JANA ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with