^

PSN Showbiz

Bembol, nagsalita sa paggamit ni Dominic ng droga

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bembol, nagsalita sa paggamit ni Dominic ng droga
Bembol Roco
ABS-CBN / Released

Ngayon lang nagsalita si Bembol Roco tungkol sa isyung kinasangkutan ng anak niyang si Dominic Roco. Napag-usapan ito sa nakaraang mediacon at cast reveal ng pelikulang Pieta ni Alfred Vargas.

Pighati ng isang magulang ang tinatalakay ng pelikulang ito, kaya natanong kay Bembol ang tungkol sa pinagdaanan ng kanyang anak na nasangkot sa isyu ng droga. Ani Bembol, “Naayos ko na ang problema ko sa mga anak ko. Medyo matagal-tagal na, kaya wala akong problema sa mga anak ko.”

Marami ang gustong kumausap sa kanya nung pumutok ang balita tungkol kay Dominic, pero hindi na siya nagsalita. “What for? Wala namang maitutulong ang press e. Unang-una, ‘di ba, bira sila nang bira, hindi naman nila inaalam ang facts. I didn’t see any reason why I would give any interviews to the press,” himutok ng magaling na aktor.

Nung panahong ‘yun ay galit daw ang nararamdaman niya nung nangyari ito sa kanyang anak. “Di ba? It’s very unfair. E sangkot nga siya…gumagamit siya. Pero hindi siya nagtutulak. No way!” bulalas ni Bembol nang nakapanayam ng ilang miyembro ng entertainment press pagkatapos ng mediacon.

Kaya pinapayuhan na lang daw niyang mga anak niya, lalo na si Dominic na mag-ingat na sa mga kaibigan. “Mag-ingat ka sa mga kinakaibigan… katulad nga niyang nangyari, ‘di ba? Dahil sa hindi pag-iingat ‘yun,” sabi pa ni Bembol.

Kapag okay na raw ang lahat at maayos na itong pinasok na problema, gusto pa rin daw ni Bembol na bumalik ito sa pag-aartista.

Bukas ay magsisimula nang mag-shoot si Bembol para sa Pieta.

‘Ex-jowa’ni Sunshine, kumalat ang porno Video

Mainit na pinag-uusapan sa social media ang kumalat na sex video ng guwapong aktor na si Fino Herrera.

Nagpiyesta ang netizens lalo na ang mga kabadingan dahil parang sinadyang sinyut daw ang video na ‘yun.

Ang sabi nila, mahigit three minutes daw ang video na parang merong kumukuha sa kanila.

Kitang-kita ang mukha ng aktor, pero ang girl na katalik niya ay takip na takip ang mukha ng pink na mask.

Tila gumawa ba sila ng porno?

May mga komento pa roon sa Twitter na meron pa raw ibang sex video na lalabas.

Totoo bang meron daw siyang nagawang vidjakol noon?

Pero ang duda ng iba, promo lang daw ito para sa isang pelikula o ano mang projects. May ilang kaibigang tinanong ko para hingan sana ng reaksyon si Fino, pero ayaw raw magsalita na dapat lang naman.

Wala pa namang kumpirmasyon kung si Fino talaga ito, kahit kitang-kita ang mukha.  May nakabinbin pa raw siyang projects na hindi nila alam kung paano makakaapekto ang scandal na ito sa kanyang mga nagawa.

Sa ibang walang ideya kung sino si Fino Herrera, promising ang naturang aktor na napansin na namin noon pa sa pelikulang Batang Poz.

Pero maganda ang exposure niya sa teleseryeng Marry Me, Marry You na kung saan siya ang gumaganap na younger dyowa ni Sunshine Dizon.

vuukle comment

BEMBOL ROCO

DOMINIC ROCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with