^

PSN Showbiz

Kim Hewitt, itinanghal bilang ‘TNT Kids Season 2’ grand champion

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim Hewitt, itinanghal bilang �TNT Kids Season 2� grand champion
Kim Hewitt.
STAR/ File

Napagtagumpayan ng resbaker na si kim hewitt na masungkit ang titulo bilang ikalawang kampyeon ng tawag ng tanghalan kids matapos niyang makuha ang pinakamataas na combined total scores mula sa mga hurado sa trending na ‘Huling Tapatan’.

“I feel happy and thankful to God and my coach. I also dedicate my win to my mom, who helped me a lot throughout my journey,” ani ni Kim matapos tanghalin bilang bagong kampyeon.

Naging mahigpit nga ang laban sa final round ngunit nanaig si Kim sa dulo nang makuha niya ang total combined score na 96.7% habang sina Dylan Genicera ay nakakuha ng 96.6% at sinundan ni Aliyah Quijoy na may 96.5%.

Nag-uwi ang bata mula sa Dumaguete ang P500,000, P300,000 worth of learning and home showcase, isang ma­nagement contract sa ilalim ng ABS-CBN Music, at espesyal na trophy.

Nakuha ni Kim ang boto ng mga huradong sina Jason Dy, Frenchie Dy, John Rex Baculfo, Roselle Nava, Christian Bautista, Jamie Rivera, Tutti Caringal, Katrina Velarde, Elha Nympha, at punong hurado Gary Valenciano matapos niyang mapabilib ang mga ito sa kanyang bersyon ng I Don’t Wanna Miss A Thing na na­ging winning song din ng naunang TNT Kids grand champion John Clyd Talili.

Ngayong Lunes, mapapanood na ang ikawalong edisyon ng TNT kung saan mga pambato naman mula sa iba’t ibang paaralan at pamantasan ang maglalaban-laban sa Tawag ng Tanghalan School Showdown.

vuukle comment

KIM

TNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with