^

PSN Showbiz

Marimar, ‘di nagpaawat!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marimar, �di nagpaawat!
Marian Rivera
STAR/ File

Tinutukan ng netizens at mga taga­hanga ang TikTok video ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera noong isang araw.

Inabangan ng fans ang kanyang in-upload na video na tinatawag na Asoka makeup trend. Pero bago iyon ay may patikim siya na silhouette ng kanyang pagsasayaw na may background music ng Marimar na may caption na “Challenge accepted! Dropping tomorrow at 7pm.” Doon na nasabik ang fans na nagbalik daw sa kanilang childhood memories kung saan gumanap ang misis ni Dingdong Dantes bilang Marimar sa Pinoy adaptation ng hit Mexican telenovela noon.

Pero nang i-upload niya na ito sa TikTok ay biglang nawala raw ang video at dalawang beses pa in-upload. Kaya hinayang na hinayang ang fans dahil ang dami na raw nitong views.

Hindi nga makatulog ang iba niyang taga­hanga dahil ilang oras na raw ang nakalipas ay wala pa rin ang video dahil nabura nga.

Na-copyright daw pala ang music nito at nag-attempt pa ulit na palitan pero nabura ulit.

Hindi siya nagpaawat sa kanyang pag-indak at ipinost ito ng aktres sa ibang social media platform at pinagkaguluhan nga ito at nag-viral.

Dyosang-dyosa raw ang nanay nina Zia at Sixto at wala pa ring kupas.

Nabitin pa ang mga ito dahil sobrang iksi raw. Inulit-ulit pa raw nila itong panoorin.

Naka-1 million views daw ito sa Instagram bukod pa sa Facebook. Wala raw talagang tatalo kay Marian pagdating sa Marimar dance.

Bukod pa doon ay naka-30 million followers pa siya sa Facebook account niya. Kaya naman hindi niya nakalimutang magpasalamat sa mga sumusuporta sa kanya, “Feeling grateful for all the love and support I’ve received. Thank you from the bottom of my heart.”

Bongga.

Kaya naman dapat talaga na maging busy na ang showbiz dahil parang hinahanap-hanap na rin ng marami ang mga balita tungkol sa stars.

Para bang nasasabik na rin naman sila na malaman ang happenings ng stars natin. Medyo nga lang madalang ang mga rampa dahil na rin baka sa init ng panahon. Pero kung iisipin mo marami pa rin namang mga bagay na puwedeng gawin kahit na ganito ang climate.

Maganda nga ngayon ang mga photo shoot sa dagat o swimming pools, at ipakita na naman ang kurbada ng stars.

Dapat talaga na gumagawa ng ingay para mabalik ang init. Kundi baka magtuluy-tuloy na mawala ang gana ng lahat.

Sayang naman ‘di ba, dahil showbiz pa rin ang pinaka-entertaining na puwede sa lahat.

Go out and make noise. Kaila­ngan ngayon iyan para mabalik ang interest ng tao.

Sige na, Ivana Alawi, gulatin mo sila para bongga.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with