^

PSN Showbiz

Richard, hinihiritang mag-display ng abs!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Richard, hinihiritang mag-display ng abs!
Richard Gutierrez

Naku, Ateng Salve, bukas na ang balik ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati kasama ang mga anak nilang sina Zion at Kai galing sa Niseko, Japan. Marami ang excited kung after a few weeks ba ay mag-a-announce na ang mag-asawa kung nakabuo na sila ng baby #3. Actually, excited ang followers ng mag-asawa na magka-baby girl na sila.

Naku, bukas nga, uusisain ko talaga si Sarah kung ano na ba talaga ang update sa ‘baby girl’ nila.

Sa Sunday naman ay babalik na rin sa Cebu si Richard para ipagpatuloy ang taping doon ng The Iron Heart action-drama series niya sa ABS-CBN.

At alam mo ba, Ateng Salve, ang tindi ng request ng mga sumusubaybay sa series na ‘yon para dagdagan pa ang mga eksenang naka-topless si Richard at ang co-star niyang si Jake Cuenca.

Nag-viral nga ang eksena kung saan ay naglalaban sila habang parehong topless. Actually, may request din na sana ay gumawa ng pelikula si Richard kung saan ay palagi siyang magdi-display ng kanyang abs, huh!

Ara, confirmed sa Net25

Bongga nga ang NET25, Ateng Salve. Aba, parami nang parami ang shows nila.

Nabalitaan ko nga na pati si Ara Mina ay magkakaroon na rin ng weekly show sa nasabing TV network.

Chika ng source ko, April na raw magsisimula ang show ng aktres at nakapag-shoot na rin siya para sa OBB (opening billboard).

Nice!

Jane, may mga sikretong endorsement

Sabi ng co-manager ni Jane de Leon na si Tyrone Escalante, totoo raw ‘yung nasulat namin na may three new endorsements ang Kapamilya star, pero bukod daw doon, may iba pa ring gagawin ang nagbida sa Darna, ang katatapos lang na fantaserye ng ABS-CBN.

Pero ‘yung ibang new endorsements daw ni Jane ay secret pa.

Bongga!

Shows sa abroad ng pinoy singers, walang tigil

May All Out USA and Canada Tour pala ng July hanggang August si Sheryn Regis.

Bale 20th anniversary concert daw ‘yon ni Sheryn at makakasama niya roon ang dati ring singer na si Tootsie Guevara na based na sa Orange County, California.

Ang dami talagang shows ngayon sa Amerika, pati na rin sa Canada, huh!

Bongga lang na sina Ogie Alcasid at Ian Veneracion, pati sa Switzerland ay may shows din.

‘Yun na!

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with