^

PSN Showbiz

Bela, aminadong duwag

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bela, aminadong duwag
Bella Padilla

Three years in the making pala ang Pinoy adaptation ng Korean blockbuster movie na Spellbound, na magiging Valentine presentation ng Viva starring Bela Padilla at Marco Gumabao.

Mismong si Bela ang nagkuwento tungkol dito. “3-years in the making!!! So excited for you guys to watch SPELLBOUND in cinemas on February 1

“Buhayin ang patay na puso ngayong Pebrero!”

Mahika, mga multo, at pag-ibig iikot ang kuwento nito.

Si Bela ay gumaganap bilang si Yuri. Simula nang makaligtas siya sa aksidente noong high school ay nakakakita na siya ng mga multo.

Nagpaparamdam din ito sa mga taong malapit sa kanya, at dahil sa takot, iniwan siya ng kanyang pamilya.

Kumbinsido si Yuri na mas maigi na ngang manatili siyang mag-isa sa buhay. Pero isang salamangkero ang maaaring magpabago ng kanyang isip.

Si Marco ay gumaganap bilang si Victor, isang street magician.

Sa katunayan, dinadaan lamang niya sa kanyang charm ang mga manonood, at hindi naman talaga ito magaling mag-magic.

Nang makita niya si Yuri, naging inspirasyon niya ito para makabuo ng isang horror magic show na naging patok naman sa mga manonood.

Nang maging stage magician si Victor, kinuha niya si Yuri para gumanap bilang multo sa kanyang palabas.

Si Rhen Escaño ay gumaganap bilang si Krissy, ang pinaka-aktibong multo sa buhay ni Yuri. Mag-best friend sila bago mamatay si Krissy sa aksidente. Dahil lagi itong nakabuntot kay Yuri, masasaksihan ni Krissy ang nabubuong pagtitinginan nina Yuri at Victor. Isa siyang magiging malaking hadlang sa dalawa.

Ano ang mga pakana ni Krissy para takutin si Victor? May panlaban ba naman dito ang binata? Hindi na ba talaga makakawala si Yuri kay Krissy? Bound to fail nga ba ang Victor-Yuri love story?

Ang pelikulang ito ay mula sa direksyon ni Jalz Zarate ay remake ng 2011 Korean blockbuster movie na Spellbound.

Ito naman ang unang tambalan nina Bela at Marco, pero naging magkatrabaho sila sa isang pelikulang sinulat ni Bela (Apple of My Eye) kung saan si Marco ang isa sa mga bida.

Ibinahagi ni Bela na ito ang unang pagkakataon na malapit sa personalidad niya ang kanyang karakter na ginagampanan.

Duwag rin siya pagdating sa mga multo, kwento niya.

Ipalalabas sa mga sinehan ang Spellbound sa Feb. 1, 2023.

Kasama rin dito sina Cindy Miranda at Ronnie Liang bilang ibang love interests nina Victor at Yuri.

Samantala, parang slowly but surely ang galawan ng career ni Bela.

Sa London na siya naka-base at pabalik-balik na lang siya sa bansa para sa mga commitment niya rito.

vuukle comment

BELLA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with