^

PSN Showbiz

Hunk actor, naalala ang harapang panloloko ng ex!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

May ibang mga artista ang nagkukuwento tungkol sa past nila, like ‘yung pagiging biktima nila sa dating mga nakarelasyon. Na naging biktima sila ng pangangaliwa.

Pero alam mo, Ateng Salve, 18 years ago na nang tawagan ako ng hunk actor na ito na noon ay parte pa ng isang weekly youth-oriented series.

That time ay nagbabakasyon sila sa Boracay ng girlfriend niyang teen actress. Magkahiwalay pa sila noon ng TV networks ng kanyang girlfriend.

Madaling araw nang tumawag sa akin ang noon ay teen pang aktor.

“Tito Jun, hindi ko na kaya. Harap-harapan na po akong niloloko ni _____ (pangalan ng kanyang girlfriend). Nakikipagsayaw po siya kay _____ (pangalan ng isang kilalang model),” sey ni aktor sa kabilang linya habang umiiyak.

Nagulat ako, Ateng Salve, sa tawag na ‘yon ni aktor. Talagang ramdam mo na hurt na hurt siya sa ginawa ng girlfriend.

Pero kahit may ganoong “eksena” sa akin si aktor, hindi naman nauwi agad sa hiwalayan ang relasyon nila ng kanyang girlfriend. Nagtagal pa rin naman sila, pero after a year, naghiwalay rin.

Pero si ex-girlfriend, napunta sa management company ng manager ni aktor, kaya naging magkaibigan pa rin ang dalawa.

Si aktor na hunk na ang dating ngayon ay nagkaanak na at eventually ay ikinasal sila ng nanay ng kanyang anak.

Si ex-girlfriend naman ay nag-abroad, nakapag-asawa at nagkaanak at nahiwalay na sa asawa at ngayon ay may iba na ring karelasyon.

Bongga!

Kapamilya Stars, bibida sa Sinulog Festival

Ang Sinulog Festival 2023 ng Cebu City.

Ang ABS-CBN ang isa sa magiging abala simula sa Thursday dahil may pa-mall show na sila on Saturday, 5:00 p.m., sa The Terraces ng Ayala Center Cebu at pangungunahan ‘yon ng The Iron Heartaction-drama series na The Iron Heart.

Bukod kay Richard Gutierrez, darating doon sina Sue Ramirez, Jake Cuenca, Pepe Herrera at Sofia Andres.

The next day naman, may float din sina Richard at ka-join sila sa Sinulog Festival.

Nice!

McCoy, umiwas...

Naku, Ateng Salve, as I write this, 6:10 p.m. na at hindi pa nag-i-start ang thanksgiving party ng number one box-office hit ng 2022 Metro Manila Film Festival, ang Deleter, nina Nadine Lustre, Louise delos Reyes at McCoy de Leon, kaya hindi sure kung um-attend nga ba ang huli.

Eh, ang entertainment press na nakachikahan ko kahapon ay umaasang maiinterbyu nila si McCoy tungkol sa hiwalayan nito kay Elisse Joson.

Pero alam mo, Ateng Salve, wala naman ang name ni McCoy sa presidential table kahapon, kaya tinanong ko si Ferlin Parreno ng Viva Films kung darating ba ito?

“Best effort po,” sey ni Ferlin, na sinagot ko ng, “I’m sure, umiiwas. Hahaha!”

Napangiti na lang si Ferlin.

Hahaha!

Well… ‘Yun na!

vuukle comment

MCCOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with