^

PSN Showbiz

Nagkakaedad na premyadong aktor, mahilig lang sa landian!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Pero takot sa one night stand...

Kilalang ma-PR ang premyadong aktor na ito na talaga namang kahit nagkakaedad na ay super guwapo pa rin.

May pagka-flirty-flirty si premyadong aktor kaya naman marami pa rin ang kinikilig sa kanya.

Pero mahilig lang talagang magpakilig si premyadong aktor sa mga nakakachikahan niya and he’s not the type naman na basta papatol sa girls na nagkakagusto sa kanya.

Kumbaga, huwag seryosohin ang pakikipag-flirt ni prem­yadong aktor dahil hanggang ganoon lang ‘yon at hindi basta mauuwi sa one-night stand.

Sa lahat naman ay sweet si premyadong aktor, pero mali ang duda ng iba na basta-basta ito pumapatol sa girls na nagkakagusto rito.

‘Yun na!

Martyr..., ilalabas agad ang teaser

Ngayon ilalabas ng Viva Films at ni Direk Darryl Yap ang 21-second teaser ng Martyr or Murderer, ang second part ng blockbuster movie na Maid in Malacañang.

Isa si Ruffa Gutierrez na gumaganap bilang Madame Imelda Romualdez-Marcos ang sobrang excited na para sa teaser na ito ng kanilang pelikula.

In fairness, marami nang gustong makapanood ng teaser ng Martyr or Murderer, pero kahapon ay umalma si Direk Darryl dahil may nag-post ng, “MMFF parade vs MOM 21 second trailer on the 21st of December.”

Sabi tuloy ng controversial at palabang direktor, “Grabe naman sa VS? Teaser pa lang yun. At wag naman pag-awayin... FESTIVAL na yan, maliit na pelikula lang kami.”

Of course, hindi totoong maliit na pelikula lang ang Martyr or Murderer, pero nasabi ‘yon ni Direk Darryl dahil ayaw niya ng intriga lalo na at walong pelikula ang kasali sa 2022 Metro Manila Film Festival at maraming mga artista ang kasali sa Parade of the Stars na magaganap ngayon.

Naku, kesa pinagsasabong ang Martyr or Murderer sa walong pelikula ng 2022 MMFF, much better kung susuportahan na lang natin ang mga pelikulang kasali roon.

Ateng Salve, may listahan na ako ng mga pelikulang panonoorin ko starting Dec. 25. Uunahin ko ang Nanahimik ang Gabi nina Ian Veneracion, Heaven Peralejo at Mon Confiado ng Rein Entertainment, Inc. ni Direk Lino Cayetano.

Next ko ang My Teacher nina Joey de Leon at Toni Gonzaga, then ang Partners in Crime nina Vice Ganda at Ivana Alawi at hindi ko rin palalampasin ang Mamasapano: Now It Can Be Told na produced ni Atty. Ferdinand Topacio at pinagbibidahan nina Edu Manzano, Aljur Abrenica, Paolo Gumabao, Ritz Azul at iba pa.

Siyempre, mag-watch din ako sa Labyu with an Accent nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria at gusto ko ring matakot kaya hindi ko palalampasin ang Deleter ni Nadine Lustre. Type ko ring suportahan sina Direk Joel Lamangan, Jake Cuenca at Dimples Romana kaya watch din ako ng My Father, Myself na ang isa sa producers ay ang very ma-PR na si Ms. Len Carillo.

‘Yun lang!

vuukle comment

PR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with