^

PSN Showbiz

Bitoy, patok ang kanta para sa mga LGBT member

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bitoy, patok ang kanta para sa mga LGBT member
 Bitoy

Ang bongga naman ni Michael V. Naka-8M views sa Facebook ang ginawa nitong parody ng kanta ni Morissette na imbes na Gusto Ko Nang Bumitaw ay tinawag nitong Gusto Ko Nang Bumigay.

Wala pa ngang isang araw ay naka-3M views na agad ito. Kinaaliwan talaga ito ng netizens kaya naman umani ito ng sandamakmak na comments at reactions.

Hindi lang ito basta parody dahil may malalim na kuwento ito tungkol sa isang may edad ng LGBT+ member na gustong lumadlad.

Marami ang naka-relate na miyembro ng LGBT dito.

Pati nga ang isang celebrity drag queen ay pumalakpak sa concept at performance ni Bitoy.

Nagpasalamat ito kay Bitoy kung saan talagang naka-relate ito sa mga linyang ginamit ng komedyante.

Wala pa rin talagang kupas sa pagpapatawa si Bitoy. At hindi rin ito basta nagpapatawa lang dahil laging may lalim ang mga performance nito.

Sa YouTube ay umani rin ito ng halos 800K views at siguradong madadagdagan pa. Parte ang parody na ito ng two-part 27th anniversary special ng Bubble Gang. Bongga!

Mga talent, iniiwasang makatampuhan ang kanilang manager

Natatawa ako sa pagiging power tripper ng isang manager, Salve. ‘Yung pinigil niya na mag-attend ang kanyang alaga dahil lang si Gorgy Rula ang talent coordinator at member ka ng SPEEd o Society of Philippine Entertainment Editors.

Wow talaga sa power tripping at sa pagiging narrow-minded.

Kilalang mahusay ang PR ng artistang hawak niya, pero nagawa niyang pigilan ito kahit pa nga nakasagot na sa invitation ng talent coordinator na si Gorgy.

Hindi kasalanan ng talent dahil siyempre kailangang sumunod siya sa utos ng manager niya para huwag magtampo na baka maging dahilan pa ng away.

Dito mo makikita kung anong klase ng utak meron ang isang tao.

Naku ayaw kong isipin na baka dahil incomplete ang buhay niya kaya siya ganito kababaw.

Sana naman senior moment lang ito na nangyayari sa kanya.

Pathetic, so sad. Magsama na lang sila ng BFF niyang puno rin ng kagagahan sa buhay kaya lumolobo ang katawan. At isa pang manager na puno ng ilusyon kaya jobless ang mga alaga.

vuukle comment

BITOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with