^

PSN Showbiz

Winwyn nagpabinyag ng anak, partner na-face reveal na!

Pilipino Star Ngayon
Winwyn nagpabinyag ng anak, partner na-face reveal na!
Winwyn, Luna at BF.

May face reveal na finally ang ama ng anak ni Winwyn Marquez.

Ito ay nang i-post ni Rodjun Cruz ang photos nila sa binyagan ng anak ni Winwyn.

“Welcome to the Christian world my inaanak baby Luna! God bless you always ,” ang post ni Rodjun.

Parating pahapyaw ang pakita ni Winwyn sa hitsura ng kanyang partner sa mga ina-upload niya sa YouTube at sa Instagram.

Ang kuwento, childhood friends sina Winwyn and partner niya at katropa rin nito ang mga kapatid ng actress / beauty queen.

Erik, enggrande ang birthday celeb sa ASAP

Abangan ang enggrandeng birthday celebration ng King of Pinoy Teleserye Theme Songs na si Erik Santos, tampok ang kanyang duet performance kasama ang kanyang kapatid na si Hadiyah, na sasabayan din ng special biritan nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Darren, Karylle, Jolina Magdangal, Moira dela Torre, Frenchie Dy, at Kyla sa The Greatest Showdown ngayong Linggo (Oktubre 9) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Maki-jamming din kasama ang paborito ninyong OPM artists, tampok ang bigating senti kantahan ng The Juans kasama sina Gigi de Lana at Morissette; new-gen hits sing-along nina Moira dela Torre, Janine Berdin, Adie, at Ace Ban­zuelo; at ang rockoustic session nina KD Estrada at Kice.

Iinit naman ang dancefloor sa intense hatawan nina AC Bonifacio at Sheena Belarmino, kasama ang D’Grind sa Clash Dance.

Pakatutukan din ang all-star performance nina from Francine Diaz, Enchong Dee, Shanaia Gomez, Krystal Brimner, Jameson Blake, Joao Constancia, Jin Macapagal, MNL48, at ng buong ASAP Natin ‘To family kasama si Robi Domingo.

Tuluy-tuloy ang kantahan sa tapatan ng New Gen Birit Idols na sina Khimo Gumatay, Bryan Chong, JM Yosures, at Sam Mangubat kasama ang nag-iisang Concert King Martin Nievera; at ang Mandy Moore hits biritan nina Divine Diva Zsa Zsa Padilla at Asia’s Songbird Regine Velasquez kasabay sina Alexa Ilacad at Anji Salvacion.

At damahin ang Pinoy pride sa Manila hits performance nina Ogie Alcasid, Erik Santos, Nyoy Volante, Jason Dy, at Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Huwag palampasin itong all-star concert experience mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang ASAP Natin ‘To, ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

vuukle comment

WINWYN MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with