^

PSN Showbiz

Paulo, kasabwat ng mamamatay-tao!

Pilipino Star Ngayon

Malapit nang madiskubre nina Iris (Lovi Poe) at Daniel (Piolo Pascual) ang buong katotohanan dahil nabunyag na na si Jacob (Paulo Avelino) ang totoong kasabwat ng isang kilalang serial killer sa umiigting na mga rebelasyon sa Flower of Evil.

Si Jacob pala, at hindi si Daniel, ang totoong kasabwat ni Abel (Gardo Versoza), ang mamamatay-tao at tatay ni Daniel. Ngunit hindi pa ito alam nina Daniel at Iris kaya determinado silang panagutin ang totoong may sala sa tulong ni Grace (Denise Laurel), ang kapatid ni Daniel.

Bago pa nito, desidido na si Iris na patunayan na inosente si Daniel. Iniligtas kasi niya si Daniel bago ito napatay ni Baldo (Joko Diaz), ang mastermind ng isang sindikato at kasosyo ng ama ni Daniel sa pagpatay ng mga tao.

Pero nasa panganib pa rin ang buhay ni Daniel dahil gusto siyang patayin ng mga magulang ni Jacob para tuluyan na silang mabuhay ng tahimik. Alam na rin ni Dennis (Joem Bascon), ang kasamahang pulis ni Iris, ang buong katotohanan sa identidad ni Daniel at ipapaaresto na niya ito.

Matutulungan pa ba ni Iris si Daniel na patunayan na inosente ito? Mabibisto ba nila ang mga krimen ni Jacob?

Tutukan ang Flower of Evil sa Viu, iWantTFC, at IPTV (USA and Canada only) kada Huwebes at Biyernes ng 8 p.m. at sa Kapamilya Channel, A2Z, at Jeepney TV kada Sabado at Linggo ng 9 p.m.

vuukle comment

PAULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with