^

PSN Showbiz

Kyle, makakasama sa Amerika ang kapatid na may brain tumor

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kyle, makakasama sa Amerika ang kapatid na may brain tumor
Kyle
STAR/ File

Magkakaroon ng pagkakataon si Kyle Echarri na makasama ang nakababatang kapatid na si Bella sa Amerika sa susunod na buwan.

Matatandaang napabalita kamakailan na mayroong brain tumor ang kapatid ng aktor at ngayon ay nasa US kasama ang pamilya.

Kabilang si Kyle sa Beyond the Stars: Star Magic US Tour na gaganapin sa New York sa Aug. 6, San Francisco sa Aug. 12 at Los Angeles naman sa Aug. 14. “I feel like this one, more than anything, is really a blessing. Kasi my family is actually in the States now. So nagkatugma-tugma ang timing. God put me in a place to spend more time, especially with my little sister. I am also very excited kasi mapapanood niya ako sa LA. She’s going to watch there,” pagbabahagi ni Kyle.

Para sa binata ay isang malaking karangalan na mapabilang sa listahan ng mga artistang lilipad patungong Amerika para sa naturang event.

Magiging masayang karanasan din kay Kyle na makasama ang ilan pang artista ng Star Magic na makapagtanghal para sa mga tagahangang nakabase sa ibang bansa. “Everyone that has been in the industry or is new to the industry, gusto nila makasama sa ganito. I’ve always wanted to join this and to be part of it is really an honor and really a blessing dahil pinili po ako ng Star Magic at sobrang excited talaga ako na makasama ang pamilya natin diyan sa States,” pagtatapos ng aktor.

Kira, ginaganahan na uling umiyak

Masayang-masaya si Kira Balinger dahil muling nagkaroon ng trabaho pagkalipas ng mahigit isang taon.

Huling napanood ang aktres sa teleseryeng Ang Sa ‘Yo Ay Akin noong 2020.

Ngayon ay isa si Kira sa mga bida ng Beach Bros na mapapanood sa pamamagitan ng iWantTFC. “Sobrang happy ako to be back, to be working again. Na-miss ko talaga ang um-acting. To be in somebody else’s shoes. Na-miss ko rin po ang umiyak. I also rea­lized that sometimes you need to take time away from doing the thing that you love para pagbalik mo, ganahan ka ulit,” makahulugang bungad ni Kira.

Nag-aral umano ang aktres noong mga panahong walang ginagawang trabaho. “I took the time to go back to school since pandemic po. Tapos ever since I had work talagang hindi ko kaya i-balance ang school at work. Kung magpo-focus ako sa isang bagay, ito na po talaga. Since I ma­naged to take a break, ayun, school naman,” paglalahad ng dalaga.

Maraming mga bagay umano ang natutunan ni Kira para sa sarili mula nang magkaroon ng pandemya sa bansa. “’Yung lock-in (taping) ng Ang Sa ‘Yo Ay Akin kasagsagan ng pandemic talaga. I’m going to taping by myself, COVID, paano ito? Kasi palagi kong kasama si mommy sa mga taping ko. So ngayon I have to do it by myself. Take good care of my things, ngayon kapag sinabing lock-in, sige, ako na, kaya ko na,”  kwento ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

KYLE ECHARRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with