^

PSN Showbiz

Ruru, may madidiskubre sa pagkatao

Pilipino Star Ngayon

May malalaman si Ruru Madrid sa kanyang pagkatao sa mga susunod na gabi ng Lolong.

May matinding takot man sa apoy, susuungin ni Lolong (Ruru) ang nasusunog na kubo ni Boss Abet (DJ Durano) para subukang sagipin ang kaibigang si Elsie (Shaira Diaz).

Dito niya mapapansin na mabilis ding gumaling ang mga lapnos sa kanyang balat.

Muli niya ring makakaharap si Karina (Rochelle Pangilinan), isang misteryosang babaeng magbubukas sa isipan niya tungkol sa mga Atubaw – isang lahi ng mga taong payapang namuhay sa isang isla kasama ng mga buwaya. Sila rin ang mga taong mabilis kung maghilom ang mga sugat.

Samantala, darating sa Tumahan si Bella (Arra San Agustin). Isa siyang vlogger na magkakaroon ng kakaibang interes kay Lolong. Ano nga ba ang pakay ni Bella sa Tumahan?

Magku-krus ding muli ang landas nina Lolong at Lucas (Ian de Leon), isang nagbabalik na tauhan ng mga Banson. Nang makita ni Lolong ang tattoo ni Lucas sa kamay, isang mapait na alaala tungkol sa kanyang mga magulang ang muling mabubuhay.

Paano gagamitin ni Lolong ang kanyang naiibang kakayahan? Ano ang papel ng mga Banson sa mga bagong gulong dara­ting sa kanilang bayan?

Abangan lahat ito sa Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa GMA Telebabad.

vuukle comment

RURU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with