^

PSN Showbiz

Artistang nagso-solo sa buhay, nakakalungkot ang kalagayan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Artistang nagso-solo sa buhay, nakakalungkot ang kalagayan
Angie Ferro.

Kawawa naman pag tumanda ka, nagkasakit at walang immediate family na mag-aalaga sa iyo.

Kakalungkot ang kalagayan ng 80+ na aktres na si Angie Ferro.

Kailangan ng financial help at nag-iisa na lang na lumalaban sa buhay.

Minsan kasi choice rin ng isang tao na mag-solo lang siya, pero sana man lang may mga immediate member ng pamilya na magbabantay man lang.

Sana rin may naipon kang pera, at kaya mong magbayad ng nursing home na puwede mong puntahan kung sakali at matanda ka na at nag-iisa.

So sad para sa isang tao na maghintay ng katapusan ng buhay na wala man lang nasa tabi para gumabay.

Iba ang sitwasyon ng marami ang nagmamahal sa iyo at hanggang wakas ay inaalagaan ka tulad ni Susan Roces.

Pero sa buhay kasi, hindi mo alam ang mangyayari, hindi mo alam ang ending.

Well, ipagdasal na lang natin na sana maayos hanggang huli ang buhay ng mga katulad ni Angie Ferro na nag-iisa na lang sa mundo.

Andrea, puro kanegahan

Talagang dapat pangaralan si Andrea Brillantes ng mga handler niya.

Grabe iyon sinabi ng BF niyang si Ricci Rivero na lagi siyang lasing at laging nakapulupot dito dahil sobra siyang selosa.

Ano ba iyon, maganda bang balita iyon sa isang young star na tulad ni Andrea?

Maliban na lang kung ang target niya ay maging boldstar na parang pakawala ang image.

Nakakahinayang dahil mukhang talented naman si Andrea, pero bakit hindi maayos ang projection ng image niya.

vuukle comment

ANGIE FERRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with