^

PSN Showbiz

Batikang aktres, nangangailangan ng tulongna pera at dasal

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Nangangailangan ng tulong ang veteran actress na si Angie Ferro.

Kasalukuyan umano itong naka-confine sa Qualimed Medical Center (Room 323), Tungko, San Jose Del Monte, Bulacan, matapos magkaroon ng pangalawang stroke.

Inirerekomenda raw ng mga doktor ang isang CT scan, X-ray at iba pang mga medical test. At umaasa raw ang 84-year old actress sa tulong mula sa mga kasamahan sa industriya dahil wala diumano itong immediate family na maaaring magbigay sa kanya ng financial aid.

Anuman daw halaga na maaaring ibigay ay makakatulong sa kanyang mga bayarin sa ospital at mga gamot.

Puwedeng magpadala ng mga cash na donasyon kay Noel Miralles, ang kanyang protege:

Gcash- 09926675389 (Noel Miralles)

O kaya Bank transfer sa pamamagitan ng LANDBANK

Pangalan ng Account: Noel Miralles

Account No.: 2726208398

Lumabas si Ms. Angie sa GMA’s Amaya, Lola Igna (where she won PPP 2019 Best Actress), Lav Diaz’s  Ebolusyon ng Isang Pamilyang Pilipino at sa mga pelikula nina Ishmael Bernal, Lino Brocka, etc.

Maaari rin daw makipag-ugnayan kay Hazel Orencio sa FB. Lahat ng donasyon ay pino-post ng kanilang grupong Sine Olivia Pilipinas.

Bukod sa financial help, humihiling din sila ng kaunting panalangin para sa mabilis na paggaling ng batikang artista.

Dasal namin ang mabilis na paggaling ng mahusay na aktres.

vuukle comment

ANGIE FERRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with