^

PSN Showbiz

Mga kandidato, parang artista ang drama sa kampanya!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Tanghali na ako nagigising lately. Napupuyat ako sa panonood ng TV. Ewan ko kung bakit enjoy akong manood ng mga paglilibot ng mga kandidato.

Masarap obserbahan ang mga kilos nila sa gitna ng crowd, iyon mga moment na siguro dahil pagod na sila hindi nila naiisip na baka may kamera na sumusunod sa kilos nila.

Naku manood ka Salve at tiyak minsan makikita mo iyon unguarded moment nila na biglang nawawala iyon ngiti at napapalitan ang facial expression nila.

May nakita ako na tawang-tawa ako, after makipagkamay na ang ganda ng ngiti, pagtalikod biglang sumimangot eh nakuha ng kamera ng 24 Oras.

Hah hah kaloka, plastic na plastic ang dating.

Pero siguro naman talagang sa sobrang pagod kaya hindi mo na rin maiiwasan na kung minsan maipakita na ang talaga ang nararamdaman mo. Kaya nga mas mabuti pa na pag talagang hindi kaya, huwag na muna sumabak sa kampanya para maiwasan maipakita ang pagod.

Sa May pa ang election, medyo matagal-tagal pa rin ang meet and greet, talagang lagi talagang magbaon ng pasensiya.

Parang artista rin ang mga kandidato, dapat smile kahit inis na inis na.

Direk Lauren pinaghandaan ang 30th ang star magic

Wow parang na-excite ka naman sa face to face presscon ng 30th anniversary ng Star Magic, Salve.

Ang ganda naman talaga ng ginawa nila direk Lauren Dyogi na napaka-glossy ng presscon after a long while na walang malaking gathe­ring na nangyayari.

Lahat nga siguro nang nag-attend talagang na excite nang makita ang venue at mga inihanda ng Star Magic.

For a while kasi parang hindi mo aakalain na magkakaroon uli ng happening na medyo marami kayo at face to face ang mga star na kasali sa presscon.

Kaya nga parang nasobrahan sa excitement si Salve at talagang ang caption niya laging almost back to normal ang mga naganap sa anniv ng Star Magic.

Lucky talents na talagang pinaghandaan ang presentation, kaya naman full back up ang showbiz press.

Congrats direk Lauren Dyogi, job well done.

vuukle comment

ELECTION

KANDIDATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with