^

PSN Showbiz

Lalaking personalidad, may himala ang mga kayamanan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa kanyang kasipagan at sa dami ng kanyang mga proyekto ay hindi naman nakapagtatakang yumaman ang isang kilalang male personality. Pinagpapaguran at pinagpupuyatan niya ang kung anumang meron siya ngayon.

Sa tagal na niya sa linya ng pag-arte ay nakapagtataka naman kung hindi pa rin gumaganda ang kanyang kabuhayan showcase. Bagets pa lang ang male personality ay nag-aartista na siya.

Unang reaksiyon ng aming impormante, “Maraming sumisilip sa sobrang yaman niya ngayon. Parang ayaw maniwala ng iba na sa pag-arte lang niya nakuha ang lahat-lahat ng meron siya ngayon.

“Kahit daw naman ang ibang artistang nakasabayan niya na mas sumikat pa nga kesa sa kanya, e, hindi naman ganyan kabongga ang kabuhayan ngayon!

“Maraming kumukuwestiyon sa lifestyle niya, bakit daw niya kinakaya ‘yun, samantalang hindi naman kalakihan ang talent fee niya?” buwena-manong komento ng aming source.

Maraming naganap sa personal na buhay ng male personality, mga istoryang nakalulungkot, pero ‘yun ang nagiging basehan ng iba kung bakit biglang bumongga ang kanyang kabuhayan.

Balik-chika ng aming source, “Kasi naman, kung bakit ipinagbuyangyangan pa niya ang sobrang hilig niya sa mga mamahaling koleksiyon! Nakakapagtaka nga naman kung dahil lang ‘yun sa pag-arrtista niya!

“E, kung ang isang male personality nga naman na napakataas ng talent fee, e, walang ganu’ng katinding mga koleksiyon, siya pa kaya? Hindi nga maiiwasan ang pagdududa ng iba kung bakit ganyan na siya kabongga ngayon!

“Balitang-balita rin na marami siyang nabiling lupain sa kanilang probinsiya. Haciendero na nga ang tawag sa kanya ngayon ng mga kamag-anak niya! Malalawak na lupain kasi ang nabili niya!

“Bakit? Paano? Bakit ngayon lang? Ganu’n ang nagsasalimbayang tanong ng mga nakakakilala sa male personality! Anyare raw at bigla na lang naging super-yaman siya?

“Lalo tuloy nabuo sa isip ng mga nagpipista sa kayamanan niya ngayon na galing sa himala ang ganda ng buhay na meron siya ngayon!

“Nakakaloka! Ano ‘yun, multo? Bigla na lang lumitaw? Pero walang pakialam ang male personality sa mga nagdududa, in fact, ine-enjoy pa nga niya ang buhay niya ngayon!

“Maligaya na siyang namumuhay dahil merong nagpapasaya sa kanya ngayon na kung tawagin ng mga nakakakita sa kanila, e, halos anak na lang niya ang edad!

“E, bakit nga ba naman? Hindi naman maibibigay ng iba ang kaligayahang meron siya ngayon sa kanyang lovey dovey!” napapailing na lang na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Alden, hindi nang-iisnab kahit kumakain

Heto na. Nambubulabog ngayon ng mga kababayan natin sa Amerika si Alden Richards. Tawa nga kami nang tawa sa mga kaibigang nagtatawagan sa amin, mukhang ini-stalk nila ang Pambansang Bae, dahil alam ng mga ito kung saan siya masusundan para makita nang personal.

Nagbibigay rin naman si Alden ng ilang detalye kung ano ang ginagawa niya sa Amerika habang nagbabakasyon at ‘yun ang sinusundan talaga ng mga kababayan natin.

Sabi ng kaibigan naming dekada nang naninirahan sa LA, “Grabe ang pagiging mabait ng batang ‘yun! Kumakain sila ng mga friends niya sa isang Korean resto nu’ng makita namin. Di ba, may mga artistang ayaw magpaabala habang kumakain?

“Iba ang Alden Richards! Tumatayo pa siya para makipag-usap at makipag-picture sa mga lumalapit sa kanya! Ibang klase! Now, we know, kung bakit siya binigyan ng suwerte ni Lord,” papuri nito sa guwapong aktor.

Mas guwapo raw si Alden sa personal kesa sa screen, dagdag pa ng aming kaibigan, pero ang sentrong papuri ng grupo ay ang pagiging mapagkumbaba ng pinakasikat na aktor ng kanyang panahon.

“Hindi siya namimili ng kakausapin, pinagbibigyan niya ang lahat ng lumalapit sa kanya, tama ang mga kuwento mo. He’s so humble, napakasimple rin niya, parang hindi niya nararamdaman na sikat na sikat siya!

“At ang dimples niya! Kung puwede ko lang tapyasin ‘yun sa pisngi niya, e, ginawa ko na sana!” CEO ng isang malaking kumpanya sa LA ang kausap namin.

Alam namin ang dahilan kung bakit ganu’n na lang ang pagpuri at pagmamahal kay Alden ng aming mga kausap. Nagkaroon kasi sila ng hindi kagandahang karanasan sa isang male personality na sikat din.

Sa isang restaurant din ‘yun sa Los Angeles, maraming kasama ang male personality, nilapitan ito ng mga Pinoy na kumakain din. Nag-request ang mga ito ng pakikipag-selfie.

“Remember? Bago niya kami pinagbigyan, tumingin muna siya sa mga kasama niya, alam mo ‘yung tawanang nakakainis? Tapos, tumayo nga siya, pero para siyang nabubuwisit!

“Nagkamot siya ng ulo, ginulo ang buhok niya, tama bang ganu’n ang gawin niya? Suplado! Kung hindi pa siya… huwag na nga!” tawa kami nang tawa sa senaryong ‘yun.

Ha! Ha! Ha! Ha!

vuukle comment

MALE PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with