^

PSN Showbiz

Sikat na aktor na kilalang mabait, pinipili lang ang pinakikisamahan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Yun naman pala ‘yun! Diretsong ikinuwento ng isang mapagkakatiwalaang source kung bakit iba-iba ang mga kuwentong lumulutang tungkol sa isang sikat na male personality.

Bait na bait sa kanya ang malalaking artistang nakakatrabaho niya. Kaba­ligtaran ‘yun ng kakaibang istoryang lumalantad mula naman sa mga talent o extra kung tawagin at sa ibang artistang hindi masyadong popular.

Kuwento ng aming source, “Nakakalito ang mga kuwento, di ba? Ibang-iba ang bersiyon! Kung ang mga kilalang artista ang tatanungin mo, e, okey na okey ang male personality!

“Mabait daw, maasikaso, walang kaere-ere kahit sikat na siya! Puro papuri ang maririnig mo mula sa kanila!

“Kapag ang maliliit namang nakakatrabaho niya ang maririnig mong magkuwento, e, maiisip mo na lang na walanghiya pala ang male personality na ‘yun!

“Walang pakisama, masungit, maraming pinapansin at kung anu-ano pang negang pagde-describe sa kanya! Ano ba ang totoo?” naguguluhang unang kuwento ng aming impormante.

Nagpaliwanag ang aming source, matagal kasi nitong nakasama ang male personality sa linya ng trabaho, kaya wala na siyang maitatago sa aming impormante.

Dagdag na kuwento ng aming impormante, “Piling-pili ang mga taong pinagmamabaitan niya! Very selective ang male personality na ‘yun sa mga tinatrato niya nang maayos. ‘Yung mga mas senior sa kanya, talagang very nice siya sa mga ‘yun!

“Kaya wala tayong maririnig na kahit anong nega tungkol sa kanya. Kasi nga, mabait siya talaga sa mga artistang mas nauna sa kanya at hindi niya kayan-kayanan!

“Pero sa mga maliliit na artista, sa mga milya-milya ang layo sa kanya ang popularity, du’n na siya nagpa-power trip! Kayan-kayanan kasi niya ang mga ‘yun, e!

“Du’n na lumalabas ang kahanginan niya, nagpapakahari siya sa mga ganu’ng kasamahan niya! Hindi kasi siya kayang kontrahin, e! Ganu’n ang drama niya, sa totoo lang!

“Hindi na kami nagtataka kapag malalaking artista ang pumupuri sa kanya, natural lang na ganu’n ang sabihin nila, hindi kasi sila kayang pagsupladuhan ng male personality!

“Nakakaloka siya! Selective ang ugali niya! May split personality siya!” napakadiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Kahit masaya na si Sarah, Mommy Divine hindi pa rin moved on kay Matteo

Ang pagtanggap ng kanyang mga magulang sa relasyon nila ni Matteo Guidicelli ang kukumpleto sa kaligayahan ni Sarah Geronimo.

Hindi na siguro ganu’n kainit ang galit ng kanyang Mommy Divine sa lihim nilang pagpapakasal ni Matteo pero hanggang ngayo’y hindi pa rin sila tanggap nito.

Masakit naman talaga para sa magulang ang aksiyon ng kanyang anak na itinago sa kanila pero may pamimilian ba naman sina Matteo at Sarah nu’ng mga panahong ‘yun? Hingin nila ang basbas ay hindi naman ibibigay sa kanila kaya itinago na lang nila ang kaganapan sa pamilya ni Sarah.

Ang tanong—ano pa ba ang kailangang gawin ni Sarah, ilabas na natin sa argumento si Matteo, para mapatawad siya nina Daddy Delfin at Mommy Divine?

Ang nawala bang buslo ng biyaya sa kanila ang iniintindi ng mag-asawa? Hindi pa ba naman sapat ang napakalaking naitulong sa kanila ni Sarah na habampanahon na lang na kanta nang kanta para sa kanilang kabuhayan?

Nagkaroon sila ng mga negosyo, nakapagpatayo sila ng mga gusali, pinag-aral pa ni Sarah ang kanyang mga kapatid sa ibang bansa. May kulang pa ba du’n?

Napakasuwerte nila sa pagkakaroon ng isang mabait, mapuso at mabuting anak kay Sarah. Kung ibang anak lang siya ay baka matagal na niyang tinalikuran ang kanyang pamilya para sa personal niyang kaligayahan. Pero ginawa ba ‘yun ni Sarah?

Ang sabi ay kaya raw tiisin ng anak ang kanyang magulang pero ang magulang ay hindi kayang tikisin-tiisin ang kanyang anak. Baligtad.

Sobra-sobra na ang biyayang ibinigay sa kanila ng gintong boses ni Sarah. Lahat ng pangarap ng pamilya ay ginawang totoo ni Sarah.

Sabi nga ni prop, “Magpagawa man sila ng anak na katulad ni Sarah, e, wala silang makikita. Walang makakaduplika sa kabutihan bilang anak ni Sarah!

“May sariling buhay ang anak nila, hindi nila dapat ikagalit ‘yun, lalo na’t ilampung taon naman silang pinagsilbihan nu’ng anak nila!

“Huwag na nilang bilangin ang pagkakamali ni Sa­rah, kung pagkakamali ngang maituturing ‘yun. Count their blessings na lang!” inis na komento ni prop.

Amen.

vuukle comment

MALE PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with