^

PSN Showbiz

Magkarelasyong matagal nang buking, aamin na

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming kasamahang artista nila ang nagsasabi na araw na lang ang ating hihintayin at aamin na sa publiko ang isang magkasintahang pareha.

Ilang taon na silang magkarelasyon, pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang inaamin, ginagawa nilang manghuhula ang publiko tungkol sa tunay nilang relasyon.

Alam na alam na ng kanilang mga katrabaho ang totoo, wala na silang kahit anong maitatago pa, pero silang dalawa lang ang nakakaalam kung bakit ayaw pa nilang umamin.

Kuwento ng aming source, “Juice colored naman, sino ba ang niloloko nila, ang publiko lang ba? Ang unang-una nilang niloloko at inililigaw, e, ang mga sarili nila!

“Hindi ba sila nahihiya sa mga ginagawa nila? Napakalaki ng ginaganansiya nila sa pag-aartista, lalo na ‘yung lalaki, yumaman siya dahil sa pag-aartista niya, di ba?

“Pero isang simpleng pag-amin lang para naman maibalik nila ang mga biyayang tinatanggap nila, e, hindi pa nila magawa? Nakakaloka sila!” unang reaksiyon ng aming source.

Pati ang pagkakaroon na ng bunga ng kanilang pagmamahalan ay itinatago pa rin ng magkarelasyon. Pero alam na alam na ‘yun ng kanilang mga katrabaho.

Balik-chika ng aming source, “Kailan sila aamin, kapag nagwaa na ang bagets kung bakit siya itinatago? Nakakatakot ang ginagawa nila, kaisa-isang pangalan nu’ng bata, ipinagkakaila pa nila? Ano ba naman ang mawawala sa kanila kung umamin sila, e, hindi na naman uso ngayon ang kapag umamin ang artista na meron na siyang anak, e, lalayuan na siya ng mga fans?” napakadiing komento pa ng aming impormante.

Para silang pako sa kanilang pagtatago. Nakalubog ang kanilang katawan pero kitang-kita naman ang kanilang ulo.

Matapang na sabi pa ng aming source, “Du’n sa pinagsasamahan nilang palabas, e, magkasama sila sa hotel room. Ganu’n ba ang walang relas­yon? Ganu’n ba ang magkaibigan lang, magkasama sa kuwarto?

“Nakakainis lang kasi. Ginagawa nilang tanga ang buong bayan. Pinasasakay nila sa tsubibo ang publiko. Matagal nang sila, pero nagagalit pa sila kapag nasusulat ang relasyon nila.

“Ano ito, lokohan? Kung nakikipaglokohan sila, ang mga tao, e, hindi! Kailan sila aamin na nagkaroon sila ng relasyon, kapag nagkahiwalay na sila?

“Naku, umamin na dapat sila, napapaligiran na sila ng mga kalaban!” super-iling na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Jaclyn naiiyak ‘pag naiisip na nag-iisa, napapagod ‘pag iniisip ang mga ginagawa ni Andi!

Ang ganda ng daloy ng panayam ni Ogie Diaz kay Jaclyn Jose sa kanyang You Tube vlog. Hindi madalas magpainterbyu ang magaling na aktres, masipag lang siyang mag-post bilang pagtatanggol sa kanyang anak na si Andi Eigenmann, kaya maraming nag-aakusa sa kanya bilang isang stage mother.

Dalawa ang anak ni Jaclyn, si Andi na anak nila ng namayapang si Mark Gil, at si Gwen na musikero naman ang ama. Parehong hindi niya kasama ang magkapatid. Nag-aaral sa Amerika ang kanyang bunso at naninirahan naman sa Siargao si Andi.

Mahirap ang pag-iisa, sabi ni Jaclyn, kung minsan ay bigla na lang siyang maiiyak nang walang dahilan. Kapag nilaliman niya ang pagtatanong sa kanyang sarili ay isa lang ang dahilan—sina Andi at Gwen.

Saludo siya sa lakas ng loob ng kanyang panganay, basta nagdesisyon daw si Andi ay kayang-kaya nitong panindigan, tulad ng pani­nirahan sa Siargao kasama si Philmar Alipayo at ang kanilang mga anak.

“Sobrang believe ako kay Andi dahil siya ang gumagawa ng lahat. Siya ang namamalengke, ang nagluluto, ang nag-aalaga sa mga anak niya. Maisip ko lang ang mga ginagawa ni Andi sa mag­hapon, e, parang ako na ang napapagod!

“Pero du’n siya masaya, e. Hindi ko kaya ang ginawa niyang pagtalikod sa career niya. Pinabayaan ko siya dahil hindi ko rin naman siya mapipigilan. Saka sa ganu’ng buhay siya masaya,” humahanga sa kanyang anak na kuwento ni Jaclyn.

Wala man ang kanyang anak ay may nagpapasaya naman sa kanya dahil kay Ellie, anak nina Andi at Jake Ejercito, na sa kanya nakatira.

May mga nagtatanong sa kanya kung bakit kailangan niyang mag-isa sa buhay samantalang puwede naman siyang magkaroon ng personal na kaligayahan?

Hindi bale na, sabi ni Jane Guck (tunay niyang pangalan), ayaw na niyang gawing kumplikado pa ang kanyang buhay, masaya na siyang nag-iisa.

Nilinaw ng aktres na wala siyang inaalala kay Andi kahit pa malayo sa kanya ito, kilalang-kilala niya si Philmar, hindi sasaktan ng magaling na surfer ang kanyang anak.

“Ang mga anak ko ang buhay ko. Saka ang apo ko. Sila na lang ang meron ako,” naluluha pang rebelasyon ni Jaclyn Jose.

vuukle comment

ARTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with