^

PSN Showbiz

Mayor Isko, malaki ang potential sa 2022

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mayor Isko, malaki ang potential sa 2022
Mayor Isko
STAR/ File

Alam mo ba, Salve, na si Cesar Chavez sa office of the Mayor of Manila ay taga-DZRH. Kaya ‘pag merong problema sa Manila ang mga writer, taga-media, hanapin lang si Papa Cesar at sure na tutulungan ka. Isang asset si Papa Cesar kay Manila Mayor Isko Moreno dahil ang galing ng PR nito at ang husay sa management.

Kaya on top lagi ang ranking ni Mayor Isko dahil sa guiding hands ni Papa Cesar. Kaya kung halimbawa at tatakbo sa mataas na posisyon si Mayor Isko, sure ako sa taas ng ran­king niya ngayon at parang ang laki ng laban niya.

Hindi ko malimutan na in spite of the high position na narating niya ganun pa rin siya sa mga dating kakilala, sa mga taga-showbiz na nakasama niya. Isa sa ipagkakapuri mo ‘yung pagiging humble niya, magalang, down to earth at talagang isang tunay na tao.

Who knows, baka tulad ni Papa Erap Estrada from being a mayor maging presidente si Isko. Why not? Basta may puso para sa tao, sincere ang utak sa trabaho, at may sipag at tiyaga, hindi malayong marating niya ang Malacañang from Tondo.

Dream big, aim high, look up, iyan ang formula, Mayor Isko at katulong mo si Papa Cesar diyan, sure ako.

Isang malaking pamilya…

Sure ako  na up to now grieving si Papa Miguel Belmonte kay Ricky Lo. Kasi (malapit) silang magkakapatid, Isaac, Kevin at Papa Miguel at si Ricky. Si Isaac, ‘pag may crush na artista noong teener pa siya, kay Ricky nagsasabi, at gagawa ng paraan si Ricky para ma-meet nito ang artista na crush niya.

‘Pag nagtrabaho ka sa mga Belmonte lalo noong panahon nina Sir Andrew at Ma’am Betty Go, talagang parang big family kayo. Kaya kahit si Douglas Quijano first name basis kung tawagin sila.

Naalala ko na ‘pag papagalitan ako dahil may nagawa akong mali, tatawagin pa ni Andrew Go si Douglas para sabihin dito ang mali ko at hindi diretso na papagalitan ako.

In fairness kay Papa Miguel, basta employee niya doon siya kampi, kaya kahit ano pa ang mga reklamo against sa iyo, papagalitan ka niya, pero sa iyo pa rin siya kakampi against doon sa nag-complain tungkol sa iyo na outsider sa office.

I love working with the Belmontes. I love Papa Miguel as my big boss. Don’t be sad na, Papa Miguel, sure ako, Ricky Lo enjoyed and was proud to be part of The Philippine STAR. Ever since, feeling niya, Belmonte siya, kaya sure ako, he is just around there at the pasyal nang pasyal sa loob ng office.

vuukle comment

DZRH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with