^

PSN Showbiz

DongYan, dinagsa ng mga Kapuso abroad!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
DongYan, dinagsa ng mga Kapuso abroad!
DongYan
STAR/File

Kilig overload ang mga Kapuso abroad sa nagdaang virtual event ng GMA Pinoy TV na #DongYan Stronger Together Funcon tampok ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera-Dantes.

Hosted by Boobay, todo ang kwentuhan at kilig na ini-livestream sa GMA Pinoy TV Facebook page at dinumog ng fans mula sa iba’t ibang panig ng mundo!

Hindi naging hadlang ang time difference sa kanila dahil marami ang nagpuyat o di kaya ay gumising ng maaga para sa DongYan!

Obvious na-miss ng mga Kapuso ang DongYan at thankful sila na naka-bonding nila sila kahit virtually lang muna.

“Ako, matagal ko naman nang  na-discover na talagang siya ang gusto kong makasama forever, kahit saang lupalop pa kami. Kahit nasa loob lang kami ng kahon, isang kwarto, isang bahay, basta kasama ko siya okay ako,” sabi ni Dingdong na mas nagpakilig pa sa kanilang fans abroad.

Sumang-ayon naman si Marian, “Ang swerte ko dahil nakapangasawa ako ng very responsible na lalake. Napakahalaga sa akin n’un.”

Dagdag na biro ni Marian, “Bonus na lang na gwapo siya.”

Anyway, mapapanood ngayong buwan ng Mayo sa GMA Pinoy TV ang ilan sa mga pelikula ni Marian tulad ng Ang Panday 2, One True Love, My Lady Boss at Super Inday and the Golden Bibe.

Aktres, naging erotic ngayong pandemic

Parang wala raw talagang magawa ang isang actress ngayong pandemya.

Kaya talagang pang-erotic movie na raw ang mga pino-post nito.

Hahaha.

In all fairness, may ipapakita naman ang actress, ‘yung nga lang wala sa image ang mga ginagawa niya.

Baka raw kasi panay ang panonood nito ng Spanish series kaya ganun.

Maraming napapanood na mga Spanish series / film na available ngayon sa ilang live streaming platforms na strictly for adults only.

vuukle comment

DONGYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with