^

PSN Showbiz

The Voice Teens, 4 ang grand champions

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
The Voice Teens, 4 ang grand champions

Wow apat ang grand champions ng The Voice Teens sa unang pagkakataon noong Linggo ng gabi (Agosto 16) na sina Heart Salvador ng Alabang, Cydel Gabutero ng Negros Occidental, Isang Manlapaz ng Muntinlupa, at Kendra Aguirre ng Las Pinas.

Ang apat na grand champions ang nakakuha ng pinakamataas na scores sa kanilang group performances at nag-uwi tig-isa ng P500,000 at bagong house and lot mula sa Lessandra.

Nagwagi si Heart ng final score na 40.83% para magtagumpay sa Kamp Kawayan, si Cydel na may 48.33% sa FamiLea, si Isang na may 45.83% sa Team Apl, at si Kendra na may 44.17% sa Team Sarah.

Para sa finale, kinailangang mag-perform ng top 12 teen artists sa group performances kasama ng kanilang coaches. Kinuha naman ang final score ng bawat isa mula sa 50% ng score ng kanilang sariling coach, at ang natitirang 50% mula sa average score na binigay ng tatlong coaches.

Bago ianunsyo ang resulta, ipinahayag ng host na si Luis Manzano na layuning matulungan ng ABS-CBN ang teen artists at ang kanilang mga pamilya na harapin ang kasaluku­yang pandemya.

“Kami dito sa ABS-CBN ay naglalayong matulungan ang deserving teen artists pati ang kanilang mga pamilya para magkaroon pa ng kakayahang maharap at malagpasan nang matiwasay ang mga hamon na dala ng pagsubok na ito,” aniya.

Mainit ding pinag-usapan ang finale weekend kaya naman nag-trend ang official hashtags na #VoiceTeensFinale at #Voice­TeensS2Winner sa Twitter.

Dahil naman sa quarantine, nag-perform ang teen artists mula sa kanilang mga tahanan, samantalang nagkumento at nagbigay ng scores ang coaches sa pamamagitan ng Zoom.

 

vuukle comment

THE VOICE TEENS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with