^

PSN Showbiz

Sharon, inaapelang makatrabaho si bea

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sharon, inaapelang makatrabaho si bea
Bea Alonzo
STAR/ File

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto umanong makasama ni Sharon Cuneta si Bea Alonzo sa isang pelikula. Nanawagan ang Megastar noong isang Linggo sa ginanap na digital concert sa pamunuan ng Star Cinema para sa posibilidad ng isang malaking proyekto kasama si Bea. “Bea Alonzo whom I loved for many years,” bungad ni Sharon.

“Inang (Olivia Lamasan), hindi po talaga matatahimik ang aking puso hangga’t wala kaming project ni Bea. Star Cinema, hello! Kahit gumawa na lang kami online, okay na rin sa akin. Uy! Idea ‘yun ah, okay,” natatawang pahayag ng Megastar.

Matatandaang 2018 nang huling gumawa si Sharon ng pelikula sa Star Cinema. Nagbida ang aktres sa Three Words to Forever kasama sina Richard Gomez at Kathryn Bernardo. Si Bea naman ay noong isang taon lamang napanood sa Unbreakable  kasama sina Richard Gutierrez at Angelica Panganiban.

Dimples at Beauty, tuloy na naman ang salpukan

Siguradong matutuwa ang mga masugid na manonood ng teleseryeng Kadenang Ginto dahil mapapanood na ang KG online sa oks.abs-cbn.com simula sa May 20. Minahal ng mga tagahanga ang mga karakter nina Dimples Romana at Beauty Gonzalez bilang sina Daniel at Romina Mondragon.

“Kung merong mga nag-aabang kina Daniela at Romina, kung ano ang mga ginagawa nila dati sa KG, masayang version siya. Kasi siyempre sa KG noon talagang todohan ang pagbabangga nila. This time na-realize ni Daniella at Romina na kailangan mag-unite tayo. Kasi siyempre may pinagdadaanan tayo, peace and love lang. Pero siyem­pre hindi rin mawawala ‘yung usual na Daniela at Romina,” pagbabahagi ni Dimples.

“Natutuwa ako na may KG online kasi ‘yung asawa ko nag-aayos ng bahay. Pinaghahandaan talaga namin na maiba ‘yung set. Iniikot namin ang mga painting para to give positivity to people. Ginagalingan namin ng todo, naging techie ako dahil dito,” nakangi­ting kwento naman ni Beauty.

Para kay Dimples ay kailangang pakaabangan ng mga manonood ang KG Online dahil siguradong makapagpapasaya ito kahit paano ngayong panahon ng covid-19 pandemic. “Hindi siya ‘yung usual na ini-expect nila. This will be very informative. Marami silang mga ginintuang aral na mapupulot dito sa KG Online. Bawat episode, may itinuturo kami na sana ay makatulong sa ating mga Kapamilya. Bukod sa maibsan ‘yung pinagdadaanan nila, at the same time they learn something new that they can do with their families,” paglalahad ng aktres.  (Reports from JCC)

vuukle comment

OLIVIA LAMASAN

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with